• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PAOLO, inamin na may ‘herniated disc’ dahil nasa lahi nila

SA Instagram account (@pochoy_29) ni Paolo Ballesteros, may isang netizen na nagtanong sa isa sa host ng Eat Bulaga sa kapansin-pansin na posture niya.

 

 

Comment ni @irmabaylen78, Hi, Pao! I always watch eat bulaga. Stress reliever ko kayong lahat. Medyo bothered ako sayo Pao. Napansin ko kse yun likod mo. May scoliosis ka ba? Seryoso ha. Wag ka sana magalit. Nag aalala kse ako sa posture mo.

 

 

Na sinagot naman ni Paolo, @irmabaylen78 ay meron po herniated disc. Pero onti pa lang hehe. Lahi namen eh. sister at brother ko meron bakal sa leeg at lumbar.

 

 

     Sagot naman ng netizen na nagtanong, @pochoy_29 awww. So sorry to hear that. Kami naman scoliosis kaya nung napansin ko yun likod mo, nag alala ako. My cousin had to go through braces pero wala din nangyari. Wala ka ba nararamdaman na pain?”   

 

 

Nagpakita naman ng concern at pag-aalala ang kanyang mga followers:

 

 

“kuyaaa magpagaling ka po. Isa po kayo sa lagi kung inaabangan sa eat bulaga ei. Kapag walang Paolo, di ganun kasolid. Sending our prayers to you kuya Pao.”

 

 

“hope and pray everything goes well. Masaya kami when you’re around (eat bulaga) sending hugs and.”

 

 

“will be praying for you Pao. Hope to meet you soon, together with the Eat Bulaga Fam. Number 1 fan here. Take care ❤”

 

 

”Stay safe po kuya sana hindi na po lumala at sana gumaling na po. ingat po kayo lagi, love u kuya pao!”

 

 

“Get well soon po. Bawal po jhan ang matagal sa pag tayo. May ganyan ako ka work dati. Nag leletter “S” ang kanyang spinal. We will pray for you po.”

 

 

“pagaling kpo isa ka po sa nagpapasaya sa aming mga dabarkads.”

 

 

Samantala, kuwelang-kwela pa rin ang mga segments ng Eat Bulaga tulad ng ‘Bida Voice, Shy Singing Competition’, ‘Bawal Judgmental’, Social Dis-Dancing’ at ‘Juan For All All For Juan Agad-Agad’.

 

 

Magsisimula na rin ang online search para sa ‘Little Miss Philippines’ na napapanood sa youtube channel ng EB ng M-W-F tuwing 5 p.m. (ROHN ROMULO)

Other News
  • Bina-bash dahil sa role bilang Imelda Romualdez-Marcos: Tweet ni RUFFA, madaling nai-konek na ang pinatatamaan ay si Congresswoman GUANZON

    ANG daming kapwa niya artista at mga kaibigan na rin na nagpapahayag na “proud” sila sa naging desisyon ng actress na si Bela Padilla at sa mga nagagawa nito sa kanyang personal at propesyonal na buhay.     Ilan sa mga ito ay sina Agot Isidro, Dani Barretto, Kean Cipriano, Jake Cuenca at iba pa. […]

  • Coast Guard, naka- heightened alert

    NAKA-hightened alert ang Philippine Coast Guard (PCG) mula Disyembre 13,2024 hanggang Enero 6,2025 dahil sa inaasahang pagbuhos ng mga manlalakbay sa panahon ng Kapaskuhan.       Inatasan ni Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan ang mga Coast Guard districts, stations, at sub-stations na paigtingin ang seguridad at safety measures sa mga daungan at terminal sa […]

  • ‘Laptop anomaly’ sa DepEd, ‘di palalagpasin

    HINDI  palalagpasin ng Senado ang umano’y overpriced na mga laptop na binili ng Department of Education (DepEd) bunsod para maghain na ng resolusyon na nananawagan sa Senate Blue Ribbon Committee na magsagawa ng imbestigasyon tungkol dito.     Sa Proposed Senate Resolution No. 134, sinabi ni Sen. Alan Peter Cayetano na may kagyat na pangangailangan […]