• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagdanganan may pag-asa sa Summer Olympic Games

BIGATIN talaga ang pagtapos ni Bianca Pagdanganan sa apat na magkakatabla sa ikasiyam na puwesto sa nitong lang Oktubre 8-11 na 58th KPMG Women’s Professional Golf Association (PGA) Championship 2020 sa Newtown Square, Pennsylvania, USA.

 

Ang halaga ang nagbigay sa 22 taong-gulang na tubong Quezon City at bagito pa lang na propesyonal na manlalaro ng $84,765 (P4M) cash prize at puwesto upang makalahok sa mayamang $5.5M 75th U.S. Women’s Open 2020 sa Houston, Texas, US pa rin na inatrsado lang ng Covid-19 sa Disyembre 10-13, dating nakatakda ang torneo noong Hunyo.

 

Gayundin pinagkalooban ng Ladies Professional Golf Association (LPGA) ng slot din para sa $1.3M Drive On Championship- Reynolds Lake Oconee sa Okt. 22-25 (Okt. 23-26 sa Pilipinas) sa Greensboro, Georgia sa Amerika pa rin.

 

Umangat sa rekord na 478 baitang ang ranking ng Pinay golf star sa sa world women’s golf ranking, buhat sa 712th patungong 234th.

 

Siya na ang No. 2 female player ng ‘Pinas, pinalitan si Dottie Ardina sa world at Olympic rankings. Nakaentra si Pagdanganan sa No. 47 spot sa latest Olympic rating kung saan top 60 mga lalaro para sa 32nd Summer Games 2021 sa Tokyo, Japan sa darating na Agosto 6-9.

 

Napunta si Aridna sa world No. 312 sa Olympic No. 54 bilang pangatlong pro golfer ng bansa.

 

Ang Fil-Japanese na sinilang sa San Ildefondo, Bulacan at newbie si Yuka Saso, 19 ang nangunguna pa rin sa sa bisa ng dalawang korona sa LPGA Tour of Japan.

 

World No. 74 at nasa top 30 sa Olympic race ang dalagang nakabase sa ngayon sa Tokyo, Japan kung saan naroon ang mga kapatid sa amang Hapones at inang Pinay.

 

Dalangin ng OD na may dalawa nga tayong magiong pambato sa susunod na taong Olympics upang mas Malaki ang tsansa nating matapos na ang tagtuyot sa medalyang ginto sapul pa noong 1924 sa Paris Games. (REC)

Other News
  • Ads March 21, 2024

  • 2 MILYON SWAB TEST, NAPROSESO NA

    UMABOT na sa mahigit 2 milyon ang swab test sa buong bansa ang naiproseso ng Phiilippine Red Cross (PRC) sa patuloy nitong pagtulong sa bansa sa paglaban sa Covid-19,ayon kay PRC Chairman & CEO Sen. Richard Gordon    Nagsimula ang PRC na magsagawa ng  COVID-19 swab tests noong  April 2020, na aabot sa  9,000 samples kada […]

  • Suns inilampaso ang Wizards, napantayan ang Warriors bilang top team sa record wins

    Inilampaso ng Phoenix Suns ang Washington Wizards, 118-98.     Dinomina ang Suns players ang laro sa pangunguna nina Deandre Ayton, JavVale McGee at Chris Paul upang itala ang kanilang ika-23 panalo.     Dahil dito napantayan na ng Suns ang Warriors sa pagiging top team ngayon sa NBA.     Mula noong Oct. 27 […]