DOTr: Mga biyaherong naapektuhan ng GCQ bubble, libreng magpa-rebook
- Published on March 27, 2021
- by @peoplesbalita
Inihayag ng isang opisyal ng Department of Transportation (DOTr) na maaaring mag-refund o magpa-rebook ng libre ang mga biyahero mula sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan, na ang mga biyahe ay nakansela dahil sa ipinairal na general community quarantine (GCQ) bubble ng pamahalaan.
Ayon kay Transportation Undersecretary Artemio Tuazon, naglabas na ng kautusan ang Civil Aeronautics Board (CAB) at Maritime Industry Authority (MARINA) na papayagan ang mga biyaherong nakansela ang biyahe na magpa-rebook at mag-refund ng wala na silang kailangan pang bayaran.
Paliwanag pa ni Tuazon, ang pandemya ay itinuturing na ‘force majeure’ kaya’t dapat na free of charge lamang pag-rebook ng biyahe o pag-refund ng kanilang tiket.
“Magandang balita lang po sa ating mga mamamayan na nakanselahan ng booking dahil sa pinahigpit na mga alituntunin sa NCR Plus bubble, pwede silang mag-rebook ng libre at puwede rin silang mag-refund ng kanilang mga nabayaran sa mga airlines at shipping companies,” pahayag pa ni Tuazon, sa Laging Handa briefing.
Matatandaang simula nitong Marso 22 ay ipinatupad ng pamahalaan ang NCR Plus bubble policy, kung saan ang mga residente ng Metro Manila at mga lalawigan ng Bulacan, Cavite, Rizal, at Laguna ay pinagbawalang lumabas sa loob ng GCQ bubble, maliban kung papasok sila sa trabaho.
-
Bigas, mas magiging mura ng P5 kada kilo na may tapyas sa taripa -Recto
IGINIIT ni Finance Secretary Ralph Recto na ang bagong polisiya ng gobyerno sa pagbabawas sa taripa sa imported rice ay maaaring makapagpababa sa retail price ng bigas ng P5 kada kilo. “This, in turn, could ease inflation further,” ayon kay Recto. Sa pagsasalita sa Economic Forum na inorganisa ng Economic Journalists […]
-
Kasama ang girlfriend na si CHELSEA at pet dog nila: BENJAMIN, mabibisita na ang ina sa Guam at doon na rin magbi-birthday
BAKASYON grande si Kapuso hunk Benjamin Alves bago sumapit ang kanyang birthday sa March 31. Sa Guam niya i-celebrate ang kanyang birthday dahil two years niyang hindi nakita ang kanyang ina at nabisita ang puntod ng kanyang ama. “Thank God that ‘Artikulo 247’ is airing and we’re getting good feedback from […]
-
Pinay tennis player Alex Eala nabigo sa unang round ng 2021 Junior Orange Bowl Tennis
Nabigo sa ikalawang round ng 2021 Junior Orange Bowl Tennis Championship girls’ singles si Filipina tennis player Alex Eala sa Florida. Hindi nakaporma ang 16-anyos na si Eala kay Kristyna Tomajkova ng Czech Republic sa score na 6-3, 6-3. Ito na ang kaniyang pang-huling torneo ngayong taon. Maglalaro pa […]