McGregor isusunod si Pacquiao
- Published on October 23, 2020
- by @peoplesbalita
ISUSUNOD kita!
Pasaring ito ni former Ulti- mate Fighting Championship (UFC) star Conor McGregor ng Ireland kay World Boxing Association (WBA) super featherweight champion Emmanuel Pacquiao sa kanyang social media account.
“I will be ready for Texas and Texas will be ready for my fans! Then Manny, (Pacquaio)” paskil ng dating UFC featherweight at lightweight world champion nitong isang araw sa kanyang tweet.
Ang banta ng Irish boxer ay kaugnay sa plano munang laban sa octagon kontra kay dating UFC interim lightweight champion Dustin Poirier ng USA.
Ayon naman kay UFC president Dana White ng Estados Unidos, na lagda na lang ni Conor sa kontrata ang kulang at ikakasa na ang rematch kay Poirier sa Enero 23, 2021.
Dinagdag pa ni McGregor na sa AT&T Stadium sa Texas sila maglaban na wala namang kasiguruhan, at pagkatapos ay ng fighting senator ang susunod niyang babanatan.
Paramdam na rin si Pacman sa kanyang socmed account na ganadong nakikipagsuntukan.
“I’m in the mood to fight. #TeamPacquiao,” caption niya. (REC)
-
Isang araw matapos ilibing si Father Remy… MOTHER LILY, pumanaw na rin sa edad 84
PUMANAW na ang kilalang film producer na si Mother Lily Monteverde isang araw lamang matapos ilibing ang asawang si Leonardo “Father Remy” Monteverde. Si Mother Lily ay 84 years old. Kinumpirma ito ng anak niya na si Goldwin Monteverde sa ulat ng GMA. Mag-i-85 na sana si Mother Lily […]
-
2 most wanted persons, huli sa Caloocan at Valenzuela
KALABOSO ang dalawang lalaki na nasa talaan ng mga most wanted person matapos matimbog ng pulisya sa magkahiwalay na manhunt operations sa Caloocan at Valenzuela Cities. Sa ulat ni District Special Operation Unit (DSOU) Chief P/Major Marvin Villanueva kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, dakong alas-2:00 ng hapon nang makorner […]
-
Paggamit ng ‘super app’ ng gobyerno, makababawas sa korapsyon
UMAASA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mababawasan ang korapsyon sa paggamit ng “e-Gov PH Super App” kung saan pagsama-samahin ang lahat ng government online services sa isang plataporma. Pinangunahan ni Pangulong Marcos ang paglulunsad ng super app ng gobyerno sa President Hall sa loob ng Palasyo ng Malakanyang. Ipinaliwanag ng […]