• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NCR, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal mananatili sa ECQ hanggang Abril 4, 2021.

MANANATILI sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) classification ang National Capital Region (NCR), Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal hanggang Abril 4, 2021.

 

Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi na ang Santiago City ay isinailalim niya sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) simula Abril 1 hanggang Abril 30, 2021; habang ang Quirino Province ay isinailalim din niya sa MECQ mula Abril 1 hanggang Abril 15, 2021.

 

Para sa Luzon, ang buong Cordillera Administrative Region (CAR); Cagayan, Isabela, at Nueva Vizcaya sa Region II; at Batangas ay nasa ilalim naman sa General Community Quarantine (GCQ) hanggang Abril 30, 2021.

 

At nasa ilalim naman ng GCQ para sa buong buwan ng Abril ay ang Tacloban City para sa Visayas; at Iligan City, Davao City, at Lanao del Sur para sa Mindanao.

 

Ang lahat ng iba pang lugar ay isasailalim naman sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) para sa buong buwan ng Abril. (Daris Jose)

Other News
  • LRT 1 East Extension may libreng sakay ng 2 linggo

    Magbibigay ng libreng sakay ng dalawang (2) linggo ang bagong bukas na Light Rail Transit 2 (LRT2) East Extension kung saan pinagunahan ni President Rodrigo Duterte ang inagurasyon noong July 1.     Sinabi ni Duterte sa mga sumasakay na libre ang sakay simula at galing sa dalawang (2) estasyon ng Marikina at Antipolo.   […]

  • Panukalang gawing heinous crime ang EJK, isinulong

    ISINULONG ng mga mambabatas na iklasipikang heinous crimes ang extrajudicial killings (EJKs) sa kamara.   Nakapaloob ito sa House Bill (HB) No. 10986 o Anti-Extrajudicial Killing Act, na inihain nina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Deputy Speaker David “Jayjay” Suarez at Quad Committee co-chairmen Reps. Robert Ace Barbers, Bienvenido “Benny” Abante, Dan Fernandez […]

  • Kautusan ng DILG na hindi ipaalam ang brand ng COVID 19, binatikos ng CBCP

    Hindi sang-ayon ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines hinggil sa kautusan sa Local Government Units na huwag i-anunsyo sa publiko ang brand ng vaccine na gagamitin sa pagbabakuna.     Ayon kay Military Bishop Oscar Jaime Florencio, na siyang Vice-Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Health Care, hindi ito patas para sa mamamayan […]