• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DINGDONG at BIANCA, muling mapapanood sa Holy Week special ng ‘Magpakailanman’

MULING mapapanood ang natatanging pagganap nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at versatile actress Bianca Umali sa Holy Week special ng Magpakailanman (#MPK) ngayong Maundy Thursday (April 1) at Good Friday (April 2).  

 

 

Balikan ang napapanahong kuwento ni Boy Bonus (Dingdong), isang reformed criminal sa episode na pinamagatang “Ang Kriminal na Binuhay ng Diyos” ngayong Maundy Thursday.

 

 

Dahil sa patong-patong na problema, mawawalan si Boy Bonus ng pananampalataya sa Diyos sa murang edad. Saksihan kung papaano magbabago ang kanyang buhay at magbabalik ang kanyang paniniwala sa Diyos.

 

 

Samantala, bibigyang-buhay naman ni Bianca ang kuwento ng isang dance sport champion na putol ang binti sa episode na “Sayaw ng Buhay: The Lairca Nicdao Story.”

 

 

Anim na taong gulang pa lang si Lairca nang maputulan siya ng binti dahil sa sakit na bone cancer. Ipakikilala ng technician na nag-aayos ng kanyang prosthetic leg ang Para Dance Sport sa dalaga at dito na magbabago ang kanyang buhay.

 

 

Abangan ang natatanging pagganap nina Dingdong at Bianca sa Holy Week special ng Magpakailanman ngayong Maundy Thursday at Good Friday sa GMA-7.

 

 

***

 

 

INALALA ni Ruby Rodriguez ang pagpanaw ng kanyang kapatid na si Dr. Sally Gatchalian na isang frontliner.

 

 

Pumanaw si Dr. Sally noong March 26, 2020 dahil sa COVID-19. Isa itong pediatric infectious diseases specialist at the Philippine General Hospital and Research Institute for Tropical Medicine.

 

 

Kasalukuyang national president of the Philippine Pediatric Society, Inc. si Dr. Sally noong magkaroon ng COVID-19 pandemic sa bansa.

 

 

Heto ang tribute ni Ruby sa kanyang Manang Sally sa first death anniversary nito:

 

 

“It has been a year to date that our dear Manang Sally aka Dr Sally R Gatchalian, left us for a better place. She is a vaccine advocate! She fought really hard for the children’s welfare and well-being. She is one of the first 10 Doctors who passed away due to Covid.

 

 

“This Pandemic has taught us a lot. Let us all hang on and keep the faith as manang sal would say “an ounce of prevention is much more than a pound of cure.” Keep safe, love your family, smile with your friends… we don’t know til when. As she is a Super K Drama Fan/Addict to all we say SARANGHAE. Manang Sally, saranghaeyo, bogoshipo neomu neomu.”  (RUEL J. MENDOZA)

 

Other News
  • Mahigit kalahati sa mga adult nakaranas ng ‘di magandang pamumuhay – SWS survey

    Nasa mahigit kalahati ng adults sa Pilipinas ang nakaranas ng hindi magandang pamumuhay ngayong 2021.     Ayon sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS), mayroong 57% sa mga respondents ang nagsabing mas lalong lumala ang kanilang pamumuhay sa nagdaang 12 buwan.     Mayroon lamang 13% ang nagsabi na ang kanilang kalidad ng […]

  • Liksi at versatility ng Gilas susubukin

    Ang versatility at fighting heart ng Gilas Pilipinas ay sinusuri habang nakikipaglaban ito sa Jordan side na nagdadala ng mas laki, lalim at motibasyon sa Huwebes (Biyernes sa Manila) FIBA ​​World Cup Asian Qualifiers fifth window matchup sa Amman.   Ang Nationals ay naglalaro sa limitadong oras ng practice na nilimitahan ng tatlong practice bilang […]

  • Yulo humirit ng ginto sa World Cup

    NAGPARAMDAM ng kahandaan si world champion Carlos Yulo matapos sumungkit ng gintong medalya sa FIG Artistics Gymnastics World Cup sa Doha, Qatar.   Isang solidong performance ang inilatag ni Yulo para masiguro ang ginto sa men’s parallel bars.   Nakalikom si Yulo ng impresibong 15.200 puntos upang angkinin ang unang puwesto.’     Pinataob ni […]