• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mayor Isko nagpabakuna kontra COVID-19

Naturukan na ng Sinovac vaccine laban sa COVID-19 si Manila Mayor Isko Moreno.

 

 

Mismong si Manila Vice Mayor Honey Lacuna, na isang doktor, ang nagsagawa nito kahapon ng umaga sa Osmeña High School sa Tondo, Maynila.

 

 

Agad nagpabakuna si Moreno matapos payagan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Inter-Agency Task Force (IATF) na mabakunahan ang mga alkalde na nasa high risk areas na humaharap sa paglaban sa pandemya sa kanilang mga hurisdiksiyon.

 

 

Hindi naman aniya ‘Superman’  ang tulad niyang mayor na ‘di tamaan ng COVID-19 sa pang-araw-araw na trabaho. Ilang alkalde na rin anya ang napaulat na nagkaka-COVID at ang iba ay namatay.

 

 

“I made a commitment to the people of Manila that I would get the Sinovac vaccine. A lot of Filipinos have doubts about Sinovac, so as a matter of commitment, I got vaccinated with it,” ani Moreno.

 

 

“May nagsasabi noon na, ‘Pabakuna ka nang pabakuna sa amin, pero ikaw hindi pa nagpapabakuna.’ I had to wait because the rules had to be followed. Heto ngayon nabakunahan na ako,” wika niya.

 

 

Pinaalala ni Moreno sa mga nabakunahan na patuloy pa ring sundin ang health protocols dahil walang garantiya na hindi na mahahawaan pa ang may bakuna na.

 

 

Sa kasalukuyan, nakapagbakuna na ang lungsod ng 41,692 na A1, A2 at A3 categories na kinabibilangan ng medical at health frontliners, senior citizens na may comorbidities at mga may edad na nasa 18-59 na may comorbidities. (Gene Adsuara)

Other News
  • CARLO at TRINA, galit na galit na binuweltahan ang walang pusong basher na nagbanta kay Baby Enola

    UMUUSOK nga sa galit sina Carlo Aquino at Trina Candaza matapos na makatanggap ng death threat ang kanilang anak na si Enola Mithi.     Ipinost ng Kapamilya actor sa kanyang IG Story ang screenshots ng mga comment mula sa isang basher na nagbanta sa buhay ng seven-month old na si Baby Enola.     […]

  • Mga canned sardines manufacturers, nais ang P3 na price hike

    INIHIRIT ng mga manufacturers ng canned sardines ang P3.00 na price adjustment sa kanilang produkto dahil sa pagtaas ng presyo ng diesel, paghina ng piso, at pagtaas ng presyo ng mga imported na lata na ginagamit sa paggawa ng mga lata.     Sinabi ni Canned Sardines Manufacturers Association of the Philippines executive director Francisco […]

  • LIFE HACK 101: ANG PINAKAMALUPIT NA SIKRETO UPANG IKAW AY YUMAMAN AT UMUNLAD SA BUHAY, ISA-ISAHIN!

    Alam ba ninyo na anumang simpleng bagay na ginagawa natin sa araw-araw ay nagdidikta ng uri ng kapalaran at pamumuhay na magkakaroon tayo?   Ang simpleng pagliligpit lamang ng higaan sa umaga ay magsasabi na kung ikaw ay magiging matagumpay sa buhay. Oo. Dito mo masasabi kung ikaw ay nakatadhanang umasenso o hindi. Ang pagliligpit […]