• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Inbound travel sa Region 6, limitado

INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force ang kahilingan ng Western Visayas officials na limitahan ang inbound travel sa rehiyon bunsod ng patuloy na tumataas na infection.

 

Ang mga biyahero mula sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Cebu City at Davao City ay pinagbabawalan na pumasok sa Region 6 kabilang na ang holiday island Boracay, hanggang Abril 10, 2021.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang Metro Manila at ang paligid ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal provinces– kilala bilang NCR Plus–ay nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine hanggang April 11.

 

Inaprubahan naman ng IATF ang pagbili ng 500,000 antigen test kits para palakasin ang COVID-19 screening sa NCR Plus, Batangas at Pampanga provinces.

 

Samantala, hinikayat naman ng task force ang local governments sa NCR Plus na magpatupad ng community services sa halip na pagmultahin ang mahuhulig lumabag sa coronavirus protocols. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Betting odds pumapabor sa Warriors bilang title favorite sa NBA crown’

    NGAYON pa lamang paborito na umano ng maraming mga sports analysts na magkakampeon sa NBA Finals ang Golden State Warriors.     Habang itinuturing naman ang Boston Celtics bilang underdog sa pagsisimula ng Game 1 ng Finals sa araw ng Biyernes kaugnay ng kanilang best-of-seven series.     Maging sa mga mananaya o mga sugarol […]

  • Libreng PhilHealth coverage sa solo parents pinuri ni Bong Go

    PINURI ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagpapatupad ng libreng PhilHealth coverage solo parnts at kanilang mga anak, alinsunod sa Republic Act No. 11861, o ang Expanded Solo Parents Welfare Act.     Isa si Sen. Go sa mga may-akda at co-sponsor ng nasabing batas na awtomatikong isinama ang solo parents sa National Health Insurance […]

  • PDu30, hindi naniniwalang babalewalain ng Comelec ang “rules’ sa ballot printing

    KUMBINSIDO si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi babalewalain at isasantabi ng Commission on Elections (Comelec) ang mga alituntunin sa pagbubukas ng ballot printing sa election observation groups.     “I do not believe it because itong Comelec naman ang mga tao diyan ay kilala ko lahat ,” ayon kay Pangulong Duterte sa naging panayam […]