Malakanyang, hangad ang mabilis na paggaling ni dating Pangulong Estrada
- Published on April 7, 2021
- by @peoplesbalita
HANGAD ng Malakanyang ang mabilis na paggaling ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada na isinugod sa ospital matapos tamaan ng COVID-19.
“Please get well soon. Alamat po kayo dito sa Pilipinas,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
“We want to see you healthy and we want you to take part in the public life of the country for a very long period of time,” dagdag na pahayag ni Sec.Roque.
Sa ulat, kumpirmadong tinamaan ng nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19) ang aktor at dating pangulo ng Republika ng Pilipinas na si Joseph “Erap” Estrada, ayon sa kanyang pamilya.
Ang balita ay inanunsyo ng kanyang mga anak na sina dating Sen. JV Ejercito at Jinggoy Estrada sa social media ngayong Lunes.
“Please pray for my father who has tested positive for COVID-19 and was rushed to the hospital,” ani Ejercito sa kanyang Twitter post ngayong umaga.
“Please pray for all those who are likewise fighting this virus.”
Ayon kay Jinggoy, isinugod si Erap sa ospital Linggo ng gabi dahil sa kahinaan ng katawan.
“Stable po ang kanyang kundisyon at ako po ay humihingi ng inyong mga panalangin sa kanyang agarang paggaling,” ani Jinggoy sa Facebook.
Kilalang mabagsik ang COVID-19 lalong-lalo na sa mga senior citizen. Si Estrada ay 86-anyos na.
Matapos mamayagpag sa pinilakang tabing lalo na sa larangan ng aksyon, matatandaang nagsilbi si Estarada bilang senador mula 1987-1992 hanggang naging bise presidente noong 199-1998.
Umupong pangulo si Estrada noong 1998 ngunit agad ding na-impeach noong Nobyembre 2000 dahil sa paratang kaugnay ng “bribery, corruption, betrayal of public trust” at “violation of the Constitution” — hanggang sa tuluyang lisanin ang Palasyo matapos ang Ikalawang Pag-aalsa sa EDSA noong Enero 2001.
Matapos makulong nang maraming taon, matatandaang nakalaya si Estrada mula sa kanyang detention quarters sa Tanay, Rizal noong Oktubre 2007. Sinubukan niya uling tumakbo sa pagkapangulo noong 2010 ngunit natalo ni dating Pangulong Benigno Aquino III.
Nagpaabot naman ng kanyang mga panalangin kina Ejercito ang dati niyang kasamahan sa senado na si Sen. Sherwin Gatchalian kaugnay ng nasabing mga kaganapan. (Daris Jose)
-
Pilipinas kabilang sa mga bansa na may mataas na ‘income inequality’ ayon sa World Bank
LUMABAS sa pag-aaral ng World Bank na sa kabila ng pagbaba ng kahirapan sa Pilipinas, nananatiling mataas ang income inequality sa bansa. Bumagsak ng two-thirds or 66 percent ang kahirapan sa Pilipinas. Ang income inequality ng bansa ay sinusukat gamit ang Gini coefficient, na sumusubaybay sa pagkakaiba sa pagitan ng wealth […]
-
Commemorative stamps ni Hidilyn Diaz at 3 pang Olympians, inilunsad na – PhilPost
Pormal nang inilunsad ng Philippine Postal Corporation (PhilPost) ang commemorative stamps bilang pagkilala sa mga Filipino champions na nakagawa ng kasaysayan sa katatapos lamang na 2020 Tokyo Olympics. Tampok sa naturang stamps ang kauna-unahang atleta ng bansa na nakasungkit ng gold medal sa Olympics na si Hidilyn Diaz. Kasama rin dito […]
-
Ads July 6, 2023