NA-INFECT SA PNR, UMABOT SA 120
- Published on April 9, 2021
- by @peoplesbalita
HINDI bababa sa 120 na ang na-infect ng COVID-19 sa kanilang mga tauhan sa Metro Manila, ayon sa pamunuan ng Philippine National Railways (PNR).
Ayon kay PNR Spokepserson Joseline Geronimo, naitala ang naturang bilang nang simulant ang COVID-19 testing sa mga empleyado ng PNR batay na rin sa kaustusan ni PNR General Manager Junn Magno.
Target naman aniyang maisalang sa swab test ang 1,000 nilang mga empleyado sa Metro Manila.
Ani Geronimo, nasa higit 1,000 ang mga kawani ng PNR sa Kalakhang Maynila at target na ma-swab test ang lahat ng mga ito.
Sinabi ni Geronimo na pawang mga asymptomatic naman ang mga nagpositibo nilang mga kawani sa COVID-19 at sinusundo sila para dalhin sa pasilidad o maisailalim sa quarantine sa tulong ng mga lokal na pamahalaan.
Tiniyak naman ng pamunuan ng PNR na ginagawa nila ang lahat para maprotektahan ang kanilang mga empleyado laban sa COVID-19 tulad ng isinasagawang swab testing. (GENE ADSUARA)
-
ABS-CBN, humingi ng tawad kay Duterte sa ‘di pag-ere ng ilang 2016 poll ads nito
Humingi ng tawad sa Senate hearing si ABS-CBN president at chief executive officer Carlo Katigbak kung sumama ang loob ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-ere ng network ng isang kontrobersiyal na political advertisement noong 2016. “We are sorry if we offended the president. That was not the intention of the network. We felt that […]
-
Pagtutulak para sa Alert Level 1 sa NCR, walang kinalaman sa halalan- MMDA exec
WALANG kinalaman sa nalalapit na halalan sa Mayo at nagpapatuloy na political campaigns ang hakbang ng mga Metro Manila mayors na ibaba na sa Alert Level 1 ang National Capital Region (NCR). Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) officer-in-charge at general manager Romando Artes, ibinase ng mga alkalde ang kanilang rekomendasyon sa […]
-
PNP, magpapatupad ng gun ban sa pangalawang SONA ni PBBM
NAKATAKDANG magpatupad ng gun ban ang Philippine National Police sa pangalawang State of The Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang naturang SONA ng punong ehekutibo ay gaganapin sa House of Representatives sa darating na July 24. Ayon sa Philippine National Police, magsisimula ang implementasyon ng naturang gun ban alas […]