• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NAMEMEKE NG COVID TEST BINALAAN

MULING nagbabala ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa mga mamemeke ng mga resulta ng COVID-19 test.

 

 

Ang babala ng MPD ay kasunod ng  pagkakaaresto ng anim na indibidwal sa isang entrapment operation sa isang establisimyento sa Quiapo, Maynila kahapon.

 

 

Ayon sa pulisya, gumagawa at nagbebenta ng pekeng COVID-19 swab test results  ng Philippine Red Cross (PRC) ang mga suspek.

 

 

Kabilang sa mga nahuling suspek ay apat na lalaki at dalawang babae na sinasabing sangkot sa ilegal na negosyo, na nagtatrabaho na isang “Yang General Merchandise shop.

 

 

Gumagawa rin umano ang mag suspek ng  IATF travel authority, gamit ang Philippine National Police o PNP.

 

 

Nasabat ng mga pulis mula sa mga suspek ang ilang marked money, pera na nagkakahalaga ng P93,000, ilang computer at cellphone units, printer at mga dokumento.

 

 

Nahaharap ngayon sa patong-patong na kaso ang anim na suspek  kabilang ang paglabag sa Falsification by private individuals and use of falsified documents, Cybercrime Prevention Act of 2012 at iba pang paglabag sa ilalim ng Revised Penal Code. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Trike drivers mabibigyan din ng fuel subsidy

    MAY HIGIT kumulang na 1.2 million na mga drivers ng tricycle ang maaaring mabigyan ng fuel subsidy mula sa pamahalaan.     Ito ang sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) secretary Eduardo Ano sa isang panayam.     Inutusan ni Ano ang mga local government units (LGUs) na magbigay ng listahan ng […]

  • Watchdog ‘Kontra Daya’, brainchild ng CPP-NPA-NDF dating kadre

    IBINUNYAG ni Jeffrey “Ka Eric” Celiz, dating kadre ng communist terrorist groups na ang Election watchdog Kontra Daya ay binubuo ng aktibong urban operators at infiltrators ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).     Ang “Kontra Daya group” ay kilala sa hanay ng dating mga rebelde, kadre at organizers ng […]

  • Pangulong Duterte, pinangunahan ang presentasyon ng P1-K piso polymer banknote

    PINANGUNAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang presentasyon ng P1,000-piso polymer banknote, na nagtatampok sa Philippine eagle.     Sa isinagawang ceremonial program, personal at malapitang nakita ng Pangulo ang framed version ng 50 pirasong “uncut P1,000-piso plastic money”.     Ipinrisinta kasi nina Department of Finance (DOF) Carlos Dominguez III at Bangko Sentral ng […]