TRICYCLE DRIVER TIMBOG SA PANUNUHOL SA PARAK
- Published on April 9, 2021
- by @peoplesbalita
KALABOSO ang isang 47-anyos na tricycle driver matapos at tangkain suhulan ng pera ang mga pulis na nag-isyu sa kanya ng ordinance volation receipt (OVR) dahil sa paglabag sa traffic restriction code sa Malabon City, kahapon ng umaga.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Art 212 of RPC o ang Corruption of Public Official ang dinakip na si Leonardo Dela Cruz, ng 67 Ignacio St. Bacog, Navotas city.
Sa report nina PSSg Diego Ngippol at PSSg Michael Oben kay Malabon police chief Col. Joel Villanueva, alas-5:47 ng umaga, nakabantay ang mga tauhan ng Sub-Station 6 na sina PCpl John Carlo Mata at PCpl Bengie Nalogoc sa quarantine control point (QCP) sa Estrella St. Brgy. Tañong nang makita nila ang papalapit na suspek sakay ng kanyang minamanehong tricycle kaya’t pinara nila ito.
Natuklasan ng mga pulis na nagmula si Dela Cruz sa Navotas city at pumasok sa lungsod ng Malabon na isang paglabag sa umiiral na panuntunan sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) kaya’t inisyuhan siya ng OVR saka pinabalik sa kanyang pinanggalingan.
Gayunman, ilang sandali ang lumipas ay bumalik si Dela Cruz at inalok ng areglo ang mga arresting officers sabay abot ng P1,000 bilang suhol na naging dahilan upang tuluyan siyang inaresto ng mga pulis. (Richard Mesa)
-
Climate change adaptation plans, dapat na gawing lokal, madaling maintindihan – CCC
BINIGYANG diin ng Climate Change Commission (CCC) ang kahalagahan ng masusing paghimay ng climate change adaptation plans sa local government units (LGUs) upang masiguro na madali itong maiintindihan ng publiko. Sa isinagawang briefing sa pinakabagong ‘agham at polisiya’ ukol sa climate change sa Pilipinas na inorganisa ng CCC sa Pasig City, tinalakay […]
-
Kung kinakailangan para ma- accommodate ang mga katanungan na may kinalaman sa 4Ps: DSWD, magbubukas ng mga tanggapan sa weekends
HANDA ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magbukas ng kanilang mga tanggapan sa mga araw ng Sabado at Linggo, kung kinakailangan para ma- accommodate ang mga katanungan ng indibidwal at pamilya na nagnanais na maging bahagi ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Sinabi ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na ang […]
-
VP Sara kumasa sa psychiatric exam
Nagpahayag si Vice President Sara Duterte ng kahandaang sumailalim sa psychological, neuropsychiatric at drug tests kung sasailalim din si Pang. Ferdinand Marcos Jr. at iba pang opisyal ng pamahalaan sa drug test. Ayon kay Duterte, batid niyang marami ang nagsasabing baliw siya at wala sa tamang pag-iisip kasunod na rin ng kanyang […]