• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pakikipag- ugnayan sa One Hospital Command Center, importante – Malakanyang

HINIMOK ng Malakanyang ang mga mamamayan na lalo na ang mga nangangailangang magdala ng kanilang mga kaanak sa ospital na dumulog sa One Hospital Command Center.

 

Ang paghikayat na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay bunsod ng marami na aniya talagang punong mga ospital at sadyang mahirap maghanap ng pagamutang maaaring pagdalhan sa isang tinaman ng COVID.

 

Naniniwala si Sec. Roque na makatutulong kung makatawag sa One Hospital Command Center dahil ito ang makapagsasabi kung saan pang ospital may bakante at pwedeng pagdalhan sa isang suspected COVID patient.

 

“Makakatulong po siguro kung tatawag tayo po sa One Hospital Command Center. Kasi doon po kapag tumawag kayo doon, sasabihin na nila kung saan kayo pupuwedeng pumunta.

 

Kung puno na nga po sa Metro Manila, iri-refer nila kayo sa mga ospital sa mga karatig na probinsiya ‘no. Pero kung kayo po ay mag-o-ospital-ospital, mahihirapan po talaga kayo dahil talagang marami na pong puno dahil ang mga pribadong ospital po ay up to 20% lang po naman ang kanilang COVID bed capacity ‘no. So tumawag po tayo sa One Hospital Command Center,” lahad ni Sec. Roque.

 

Kaugnay nito’y una ng sinabi ni Roque na nakahanda siyang makipag- ugnayan muli sa mga telecom companies para sa dagdag sanang linya para sa One Hospital Command dahil na din sa dami ng tumatawag dito.

 

Dito sa NCR as of April 6, nasa 79% na ang okupadong mga ICU beds habang 72% nang okupado ang mga isolation beds, 60% na ang occupancy sa ward beds habang ang mga ventilators ay nasa 61% na ang utilization rate.

 

“Sa buong Pilipinas, ang ating ICU beds po ay 61% utilized; ang isolation beds natin ay 47% utilized; ang ward beds ay 51% utilized; at ang ating ventilators ay 43% utilized,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • Magpi-perfom sa ‘Ang Larawan: The Concert: BEA at JERICHO, parehong excited na makatrabaho ang mga beterano sa teatro

    KAPWA magpi-perfom sa ‘Ang Larawan: The Concert’ sina Bea Alonzo at Jericho Rosales.      Sa May 6 na ito at magaganap ito sa Metropolitan Theater sa Lawton, Manila.     On Instagram, nag-share sina Echo at Bea ng kanilang excitement na makakatrabaho nila ang mga veteran theater performers sa ‘Ang Larawan: The Concert.’   […]

  • Jones Jr. target si MMA star Silva; kapag tinalo si Tyson

    Sakaling malusutan si dating undisputed heavyweight champion Mike Tyson, inamin ni Roy Jones na target nitong makasagupa si Mixed Martial Arts legend Anderson Silva.   Ayon kay Jones, bago pa man nitong isiwalat na lalabanan si Tyson sa isang exhibition match sa Setyembre, marami na umano itong natatanggap na offer para labanan si Silva.   […]

  • PBBM, pinangunahan ang GROUNDBREAKING ng tinaguriang ‘WORLD’S LARGEST SOLAR, BATTERY STORAGE FACILITY’

    PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Huwebes, ang groundbreaking ceremony ng “Meralco Terra Solar Project,” kinokonsidera ito bilang pinakamalaking ‘integrated solar at battery storage facility sa buong mundo.       Sa naging talumpati ng Pangulo sa naturang seremonya sa Gapan City, Nueva Ecija, binigyang-diin ng Chief Executive ang kahalagahan ng solar […]