SAAN NAPUNTA ANG PONDO NG DOH, INISA-ISA
- Published on April 10, 2021
- by @peoplesbalita
SINIGURO ng Department of Health (DOH) na ang bawat sentimo ng mga pinag-uusapang pondo pati na rin ang lahat ng iba pang mga public funds na inilaaan sa kagawaran ay “accounted” lahat at magagamit para sa publiko.
Tugon ito ng DOH sa panawagan na magbigay ang Kagawaran ng “breakdown” kung paano ginasta ang P9 bilyong pondo para sa konstruksyon ng health infrastructure sa ilalim ng Bayanihan I at II.
Binigyan diin ng DOH na ang nasabing pondo ay ginamit para sa konstruksyon ng temporary medical isolation at quarantine facilities, field hospitals, dormitories, at ang pagpapalawak ng kapasidad ng hospital ng gobyerno sa pamamagitan ng pagkuha o pagbili ng iba’t ibang medical equipment.
Sa P4.4 bilyon na inilaan s ailalim ng Bayanihan I, P 4.36 bilyon ang nagamit hanggang December 31, 2020 para makakuha ng medical equipment tulad ng mechanical ventilators, biological safety cabinets, laminar flow hoods, at biomedical microcentrifuges at iba pang medical equipment essential para sa pagtitiyak na na maalagaan ng mga ospital ang mga COVID-19 patients.
Samantala,ang inilaan naman na P4.5 bilyong sa ilalim ng Bayanihan II, ginamit naman ang P3.88 bilyon nagamit hanggang December 31 ,2020 para konstruskyon ng temporary medical isolation at quarantine facilities, field hospitals, dormitories para sa frontliners at expansion ng government capacity sa buong bansa
Ang natitira namang P617 milyon at P 308 milyon ay nagamit para s apagkuha ng mga mahahalagang kagamitan na nauugnay sa COVID-19 tulad ng mga mechanical ventilators, portable x-ray machines, hemodialysis machines, high flow nasal cannula oxygen machines, at iba pang kagamitan na kinakailangan para sa pagtaas ng mga testing capacities ng mga laboratory.
Sinabi rin ng DOH na magbinbigay ito ng buong ulat sa paggasta sa mga tanggapan ng senador ns humihiling para s anasabing datos.
Binigyan diin ng DOH na ito ay palaging nakatuon na mapanatili ang lubos na integridad at transparency bilang pagtupad ng mandato nito na magtatag at mapanatli ang isang ang madaling maabot na health system na nagbibigay ng kalidad ng mga serbisyong pagkalusogan sa bawat Pilipino.
Binigyang diin pa ng DOH na ngayon ay hindi ang oras upang maghiwa-hiwalay sa pagtugon ng pandemyang ito at nanawagan para sa pagkakaisa mula sa iba pang gobyerno at publiko habang ang bansa ay nahaharap sa pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19. (GENE ADSUARA)
-
Heartwarming at medyo kontrobersyal: Sen. IMEE, may espesyal na Christmas vlog na dapat matunghayan
ITO na talaga ang pinaka-kahanga-hangang panahon ng taon at pinag-uusapan ng lahat ang espesyal na Christmas vlog ni Senator Imee Marcos na mapapanood nang libre sa kanyang opisyal na channel sa YouTube ngayong Disyembre 23. Libu-libong Imeenatics at netizens ang humuhula kung ano ang nilalaman nito. Sinasabi ng mga insiders na ang Christmas vlog ay […]
-
Presidential bets naniniwala na ‘tao at sistema’ ang nagpapalala sa korapsyon sa PH
NANINIWALA ang mga presidential bets na ang kasalukuyang sistema at ang mga taong nasa likod nito ang nagpapalala sa korapsiyon sa bansa. Ayon kay Vice President Leni Robredo, tao at sistema ang nag-contribute sa problema, kaya kung siya ang mahalal na pangulo ang kaniyang unang executive order ay ang full disclosure. […]
-
Sa unang araw na pag-ere sa GMA: ‘It’s Showtime’ nina VICE GANDA, pumalo agad sa mataas na rating
FEW days ago ay isinulat na namin although blind item ang sinasabing nagdadalang-tao na raw ang maganda at magaling na aktres at kapatid ni Cong Arjo Atayde na si Ria Atayde. Hindi naman denenay at hindi rin naman inamin ng kampo ng mga Atayde. Pero kalat na kalat na raw ang naturang isyu […]