• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

500k doses ng COVID-19 vaccines na gawa ng Sinovac dumating na sa Pinas

DUMATING na kanina noong Linggo ang karagdagang 500,000 doses ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines na gawa ng Sinovac.

 

Ang bakuna ay “on board flight PR359” mula Beijing, gamit ang A330 aircraft.

 

Ang Pilipinas ay bumili ng 25 million doses ng Sinovac vaccine, kung saan ang 1 milyong doses ay natanggap ng bansa noong Marso.

 

Bago pa dumating ang first batch ng bakunang binili ng bansa ay nakatanggap na ang Pilipinas ng isang milyong doeses ng Sinovac vaccines na dinonate ng Chinese government, at 525,600 doses ng AstraZeneca mula sa global aid initiative COVAX Facility.

 

Nito lamang nakaraang linggo, inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagbabakuna sa mga senior citizens gamit ang Sinovac vaccine  sa gitna ng kakapusan ng vaccine supply.

 

Isang araw matapos ito, sinuspinde ng Pilipinas ang paggamit ng AstraZeneca vaccine sa mga indibidwal na mas bata sa 60 taong gulang kasunod ng balitang blood clots na mayroong low platelet counts sa ilang recipients sa ibang bansa.

 

Bago pa ito, hindi naman inirekomenda ng FDA na ipagamit ang Sinovac para sa mga senior citizens, sinasabing kailangan ng mas maraming data para patunayan na ligtas at epektibo ito sa mga matatanda.

 

Ayon naman kay COVID-19 policy chief implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr., target ng Pilipinas na mabakunahan ang 50 hanggang 70 milyong Filipino ngayong taon, subalit may ilang ahensiya ang nagpahayag ng pagdududa na ito’y maisasakatuparan. (Daris Jose)

Other News
  • Nakaka-touch ang pinost sa FB at IG: LOTLOT, labis-labis ang pasasalamat sa espesyal na award mula sa ‘The 5th EDDYS’

    DAHIL hindi siya nakadalo sa mismong awards night ng The 5th EDDYS ay sinigurado ni Lotlot de Leon na makapunta sa Christmas Party ng SPEEd (Society of Entertainment Editors) nitong December 1 sa Dapo Restaurant sa Quezon City.     Deadma sa ulan that night ay umapir si Lotlot sa napakasayang party ng SPEEd kung saan […]

  • Magkatulad sila ni Piolo: GLADYS, may tatlong nominasyon sa ’40th Star Awards for Movies’

    TATLONG nominasyon ang nakuha ng premyadong aktres Gladys Reyes sa PMPC 40th Star Awards for Movies. Nominado si Gladys bilang best aktres, best supporting actress at PMPC Darling of the press. Matandaang tinanghal na Best Actress si Gladys  sa nakaraaang Metro Manila Summer Film Festival mula sa pelikulang “Apag” na kung saan sa naturang pelikula […]

  • PBBM, balik Pinas mula sa Asia-Pacific Economic Cooperation Summit sa Thailand

    NAKABALIK nang muli sa bansa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. mula sa dinaluhang pagtitipon kasama ang iba pang world leaders sa ginanap na Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Bangkok, Thailand.     Nakarating ang pangulo sa Pilipinas kasama ang iba pang Philippine delegation bandang alas-10:39 ng gabi ng Sabado, Nobyembre 19, 2022   […]