• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MIGO, nagpaalam na sa mga fans at nagpasalamat sa GMA Network

MARAMING nagulat na netizens nang biglang mag-post ng video sa kanyang Instagram si Ultimate Male Survivor ng StarStruck Season 6, Migo Adecer last Saturday, April 10.

 

 

Nagpapaalam siya sa mga fans at mga Kapuso stars sa suporta sa kanya, at nagpaalam na rin siya sa GMA Network at nagpasalamat sa opportunity na nakapagtrabaho siya sa kanila.

 

 

Totoo raw kaya iyon, maraming nanghinayang dahil isa raw si Migo na may magandang chance na sumikat dahil bukod sa mahusay umarte, mahusay din siyang sumayaw at kumanta. May balak pa nga siyang ituloy ang pagri-record niya ng mga original compositions na sinulat niya.

 

 

Madaling sinagot last Monday, April 12, ng manager ni Migo, si Daryl Zamora, at ng GMA Artist Center, na  hindi magku-quit ang actor dahil naka-contract pa siya sa kanila.

 

 

“He is not quitting, pinayagan lamang namin siyang tapusin ang studies niya sa Australia and spend time with his family, dahil more than a year na siyang hindi nakauuwi sa kanila.  It’s a good time to let him be with his family, we support whatever decision he has made.”

 

 

Last year nagbakasyon si Migo with her girlfriend sa Hong Kong pero inabutan sila roon ng lockdown dahil sa pandemic kaya ang balak niyang umuwi ng Australia ay hindi nangyari.

 

 

Nang pwede na silang mag-travel kailangan nang bumalik ni Migo sa Pilipinas dahil magri-resume na sila ng taping ng Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday, plus may iba pa siyang commitments na dapat tuparin sa GMA.

 

 

***

 

 

HAPPY na ang may 1.9 million followers sa social media accounts ni teenstar Sofia Pablo dahil last April 10, ay nag-celebrate na siya ng kanyang 15th birthday.

 

 

Tuwang-tuwa rin naman si Sofia sa tinanggap na pagbati mula sa mga kapwa Kapuso stars niya at na-overwhelm siya sa mga videos posted ng mga fans niya na nag-celebrate daw sila ng birthday ni Sofia sa kani-kanilang bahay dahil wala silang chance na makita nang personal ang kanilang idolo.

 

 

Best birthday gift naman daw ni Sofia na pwede na siyang bumalik sa showbiz at makabilang na sa book two ng GMA Afternoon Prime drama na Prima Donnas.

 

 

Matatandaan na kulang si Sofia sa age requirement ng IATF na fifteen (15) years old para makapagtrabaho noong pandemic, kaya na-cut short ang appearance niya sa  serye.

 

 

***

 

 

THANKFUL naman si Kapuso actress at First Yaya star Sanya Lopez, sa mga papuring tinatanggap niya sa social media dahil pampa-good vibes daw nila sa gabi, bago matulog, ang story ni Yaya Melody.

 

 

Tweet nga ng isang netizen, “ngayon ko lamang nakita ang 64-year old lolo ko na tumatawa sa acting at dialogue ni Yaya Melody.”

 

 

Pumapalakpak daw sila kapag napapahiya si Lorraine (Maxine Medina) na walang ginawa kundi maliitin ang pagkatao ni Yaya Melody na laging ‘maid’ ang tawag niya.  Hindi kasi nagpapatalo si Yaya Melody kahit kanino, kapag nasa tama siya.

 

 

Ang pinakahihintay ng mga viewers ay kung paano magiging sila na ni PGA (President Glenn Acosta), na ginagampanan ni Gabby Concepcion.

 

 

Napapanood ang First Yaya gabi-gabi, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA-7. (NORA V. CALDERON)

Other News
  • Parang ‘tita’ raw ni Maja na mas looking young and fresh: SOFIA, nagiging ‘plastic doll’ at nagmukha pang matanda

    PINAGDISKITAHAN ng mga mapanuring netizens sa look ni Sofia Andres na base sa mga larawan na pinost sa kanyang Instagram, ganun din sa account ni Maja Salvador.     Makikita nagpa-picture kay George Clooney at ibang Hollwood celebs, na kuha sa Swizerland na kung ginanap ang Omega Crans Montana golf competition.     Komento nila, […]

  • “MISSION: IMPOSSIBLE – DEAD RECKONING PART ONE” BOASTS BIGGEST STUNT IN CINEMA HISTORY

    PARAMOUNT Pictures has released an extended behind-the-scenes look for Mission: Impossible – Dead Reckoning Part One in which Tom Cruise is attempting the biggest stunt in cinema history.   Check out the featurette below and watch Mission: Impossible – Dead Reckoning Part One in Philippine theaters July 2023.   YouTube: https://youtu.be/YGrrrdwF9yk   About Mission: Impossible – Dead Reckoning Part One   […]

  • Mga bagong talagang opisyales, nanumpa kay ES Bersamin

    NANUMPA sa harap ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang ilang mga bagong opisyal na naitalagang manilbihan sa administrasyong Marcos.     Kasama sa mga nasabing bagong opisyal si retired Police General Gilbert D. Cruz na nanumpa bilang Undersecretary ng Presidential Anti – Organized Crime Commission (PAOCC).     Si Cruz ay nanilbihan din dati sa […]