• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

IVANA, nanawagan sa mga lalaki na gusto siyang ligawan at pakasalan; namimigay ng pera kapag nalalasing

IBANG klase pa lang malasing ang sexy actress/vlogger na si Ivana Alawi.

 

 

Ang latest vlog nito ay nakipag-inuman sa kapatid na si Hash habang sinasagot ang “Never Have I Ever.”

 

 

Marami itong rebelasyon at aliw kami na mukhang planong i-deny na gumamit din siya ng dating app, pero ibinuko ng kapatid na nag-Tinder ito, na isang dating app.

 

 

Wala ng nagawa si Ivana at napaamin, “Nilaglag mo ako! Hahaha! Chat, chat lang, pero hindi ako nakipagkita!”

 

 

Pinangangatawanan ni Ivana na single siyang talaga, ito ay sa kabila ng nali-link siya dati pa sa isang actor/politician. At nang tanungin ito kung nakipag-date na ba sa isang celebrity, sey niya, “hindi kami nagkatuluyan, e.”  

 

 

At nag-ECQ at nag-MECQ, GCQ na nga raw, pero waley pa rin daw siya. Hiniritan ito ng ina na manawagan na lang sa vlog niya.

 

 

Kaya sey ni Ivana na tipsy na talaga bilang nakarami na ng shot ng alak, “Nananawagan po ako sa mga lalake na gusto akong ligawan, pakasalan, ready po ako sa inyo. Send your applications! Pero, lasing lang ako. Hahahaha!”

 

Pero sa huli, inamin naman nito na may tumatawag, nagti-text daw sa kanya na crush niya ngayon.  At nang tanungin ng ina kung artista ba ito, kahit lasing, hindi ito napaamin at natatawang sinagot ang mommy niya nang, “secret! Si Boy Abunda ka ba?! Hahaha!”

 

At dahil generous daw talaga ito kapag lasing, hayun, namigay ng 8 P10,000 sa mga followers niya na mapipili nitong mag-comment.

 

 

***

 

 

KASABAY ng paglalagay sa MECQ mula sa ECQ ng NCR plus, nag-post sa kanyang Facebook status ang mister ni Jolina Magdangal, ang leader ng Rivermaya band na si Mark Escueta.

 

 

Ngayong MECQ na kasi sa Metro Manila, kahit na hindi pa rin naman bumababa ang mga nagpo-positibo sa COVID-19, ina-allow na ang pagre-resume ng mga taping, shooting ng productions.

 

 

Provided daw na hanggang 50 pax lang talaga.

 

 

Nag-react si Mark at sinabing, 50pax talaga sa Production Shoots? At any given time?! Last year nga 10-15pax lang wala pang killer variant.

 

Just because allowed na, di ibig sabihin na hindi na delikado. 

 

Sana yung mga production people nasa tama ang priorities. Safety first. 

 

Kung alam niyo lang kung ilan talaga ang nagpo-positive sa production shoots, maiintindihan niyo ang takot ko.”

 

Sa isang banda, may punto ang pamumuna niya dahil sa mga nangyayari. May mga hindi na lang talaga ipinapaalam sa publiko, pero may mga nagpo-positibong mga artista kahit na galing ito sa lock-in taping.

 

Sinagot din ni Mark ang  Facebook friend na nag-comment sa post niya. At ayon kay Mark, “Tapos dishonest pa. May iba magtatago ng symptoms. I know we all need work but we need to fix this problem asap. Too many good people lost already.”

 

 

***

 

 

SULIT na sulit talaga ngayon ng mag-amang KC Concepcion at Gabby Concepcion ang kasalukuyang situwasyon na naka-ECQ pa.

 

 

Kaya kahit na tulad ni Gabby, may kasalukuyan itong umeereng primetime series sa GMA-7, ang First Yaya hindi naman allowed ang mag-taping pa.

 

 

Kaya super bonding silang mag-ama sa beach sa Lobo, Batangas.  At sa Instagram post nga ni KC, sinabi nitong bawing-bawi raw ng pagsasama nila ngayon ng Papa niya ang mga time na hindi sila magkasama.

 

 

Sey ni KC na puring-puri rin ang ama, Papa. Cool and down to earth, a joker, a guy’s guy, our #GirlDad – so much time lost, but so so much, regained. I thank God for our phone calls, deep sea dates, nature explorations, talking til we fall asleep. Truly grateful to the universe for keeping our love alive.” (ROSE GARCIA)

Other News
  • Booster dose kontra COVID-19, pinag-aaralan na gawing requirement

    PINAG-IISIPAN ng pamahalaan na isama ang booster dose bilang requirement para sa isang indibidwal para makonsidera bilang isang fully vaccinated laban sa COVID-19.     Sinabi ni Health Undersecretary at National Vaccination Operations Center (NVOC) chairperson Dr. Myrna Cabotaje na tinukoy ng World Health Organization (WHO) ang terminong “fully vaccinated” para sa mga nakakuha na […]

  • Ads April 25, 2022

  • Nominasyon para sa mga mahuhusay na barangay, lingkod barangay sa Bulacan, simula na

    SIMULA na ng nominasyon para sa mga natatanging barangay at lingkod barangay sa Bulacan para sa nalalapit na pagsasagawa ng ika-21 Gawad Galing Barangay (GGB) sa Disyembre 2022.     Ang Gawad Galing Barangay (GGB) ay isang proyekto sa ilalim ng programang Bulacan Awards Program for Barangay Innovation and Excellence (BAPBIE) na inilunsad ng Pamahalaang […]