• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hindi ito ang panahon at oras ng pagtitipid–PDU30

SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang umiiral na Covid-19 pandemic sa bansa ay nagpapakita lamang na hindi ito ang panahon at oras ng pagtitipid.

 

 

Sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi ay hinikayat ng Pangulo si Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) President and CEO Dante Gierran na gamitin ang kanilang resources para ma-cover ang mas marami pang medical needs na patuloy na tumataas dahil sa Covid-19 pandemic.

 

 

“If the pandemic is there and the beds are intended to be rolled out…sabi ko kay Gierran huwag ka magtipid, hindi ito panahon sa tipid ,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

 

Nauna rito, ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa PhilHealth na i- cover ang mga bayarin ng isang Covid-19 patients na naghihintay sa tents at iba pang pasilidad na itinayo sa hospital grounds habang naghihintay ang mga ito na sila’y ma-admit.

 

 

Makabubuti aniya na gumastos para sa sobrang medical needs kaysa kapusin ang mga ito.

 

 

“Ilarga mo lahat ‘yan kailangan ng tao. Miski hindi pa kailangan ilagay mo lang diyan tutal aabot rin ‘yan ,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

 

 

“Pagdating ng panahon ‘O bakit ka bumili ng sobra?’ Bakit? Is there a way of knowing how many or how few ang matamaan ng Covid ,” aniya pa rin.

 

 

Samantala, hinikayat naman ni Pangulong Duterte ang lahat ng departamento at ahensiya ng pamahalaan na gastusin ang kanilang pondo sa mga bagay na kailanga lamang para sa ginagawang pagsusumikap ng gobyerno na tugunan ang health crisis.

 

 

“Do not be afraid to spend money because that is intended to be spent. Kaya nilalagay natin ‘yan sa budget tapos para gastusin ,” anito.

 

 

Aniya, maaaring sumulat ang mga ito sa kanya at ipaliwanag kung bakit ang binili nila ay mahalaga.

 

 

Nangako naman si Pangulong Duterte na nasa likod lamang siya ng mga ito sakali’t may nag-kuwestiyon ng gagawin nilang paggasta.

 

 

“Huwag kayong matakot maggastos. Just follow rules…If it is really good masabi ninyo you justify it the moment pagbili ninyo. Nandiyan ako sa likod niyo  And I will vouch for you if the transaction is legal and right,” aniya pa rin.

 

 

Binalaan naman ni Pangulong Duterte ang kanyang mga Cabinet officials na madawit sa corrupt practices.

 

 

“But if it is wrong and there’s money involved at p*t*ng*n*,” diing pahayag ng Pangulo. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, pangungunahan ang pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan sa Mt. Samat National Shrine, Pilar, Bataan

    PERSONAL na pangungunahan ngayon ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr Ang ika- 81 anibersaryo ng Araw Ng Kagitingan na gagawin sa Mt. Samat National Shrine, Pilar, Bataan.   Sa temang “Kagitingan ng mga Beterano, Pundasyon ng Nagkakaisang Pilipino,” ilan sa mga programa kung saan  magkakaroon ng partisipasyon ang Punong Ehekutibo ay ang wreath laying ceremony. […]

  • Pagunsan, Delos Santos Que lalagare pa sa JPG

    SAMA-SAMANG humataw sina Juvic Pagunsan, Angelo at at Justin Delos Santos sa pagsambulat ng 48th Japan Golf Tour 2020-21 ninth leg, ¥100M (P44.7M) 61st The Crowns sa Wago Course ng Nagoya Golf Club sa Nagoya City, Aichi Prefecture nitong Huwebes, Abril 29.     Makikipagrambulan ang tatlong bala ng ‘Pinas sa titulo kaharap ang 102 […]

  • PNP: Seguridad sa Holy Week plantsado na

    ILANG araw bago ang Semana Santa, handang-handa na ang Philippine National Police (PNP) para sa pagbibigay ng seguridad ng mga biyahero at namamanata.     Sinabi ni PNP Chief PGen. Dionardo Carlos na inatasan na niya ang kanyang kapulisan na tutukan ang public safety at law enforcement operations simula sa Abril 10-17.     Paalala […]