• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

5 nalambat sa P241K droga sa Malabon

Limang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang dalawang babae ang arestado sa isinagawang magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Malabon City.

 

 

Sa ulat, alas-3:30 ng hapon nang masagawa ng buy bust operation NPD District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni PLTCOL Macario Loteyro at PMAJ Jerry Garces sa harap ng isang bahay sa No. 2A MacArthur  Highway, Brgy. Potrero Malabon City na nagresulta sa pagkakaaresto kina Mikel Pucio alyas “Manila Dead Drop” , 25, Kian Earl Bonifacio, 20, at Rochelle Alday, 24, pawang ng Caloocan city.

 

 

Narekober sa mga suspek ang nasa 1000 gramo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may standard drug price P120,000, buy-bust money na binubuo ng isang tunay na P1,000 at 19 pirasong P1,000 boodle money, transparent glass pipe na naglalaman ng marijuana, 2 cellphones at brown eco bag.

 

 

Dakong 11:30 naman ng gabi nang madamba ng mga operatiba ng Malabon Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Joseph Alcazar sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Joel Villanueva si Marvin Diolazo, 45, at Irene Flores, 41, kapwa ng ng Bisig ng Kabataan, Brgy. 2, Caloocan City matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang 21 pirasong plastic sachets na naglalaman ng nasa 17.83 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P121,244 at buy bust money.

 

 

Kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Malabon City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

Other News
  • Operasyon ng MVIS hubs pinahihinto ng Senado at Kongreso

    Magkasunod na humiling ang mga Senador at Kongresman na pahintuin ang pagpapatupad ng implementasyon ng pribadong motor vehicle inspection system (MVIS) ng Land Transportation Office (LTO).   Ayon sa mga Senador, ang MVIS ay unconstitutional at pagisisimulan lamang ng malawakang kurupsyon.   Sa nakaraang imbestigasyon ng Senado ay hiningi ni Senate committee on public services […]

  • Four-day work week sa mga empleyado ng SC, ipatutupad na simula April 4

    IPAPATUPAD na simula sa April 4 ang four-day work week para sa mga emplyeado ng Korte Surprema, kung saan ay pisikal na magtatrabaho ang mga ito sa kanilang opisina sa loob ng apat na araw habang nasa work from home set up naman ang mga ito sa loob ng isang araw.     Alinsunod sa […]

  • Grupo ng community bakers, humirit sa govt’ na dagdagan ng P4 hanggang P8 ang presyo ng pandesal

    SA PAGTATAYA ng Asosasyon ng Panaderong Pilipino, sa ngayon kasi ay nasa 20% hanggang 25% ang bilang ng mga panaderyang napipilitang magsara nang dahil sa pagkalugi at mataas na presyo ng bilihin     Paglilinaw ni Dir. Jam Mauleon mula sa naturang asosasyon, sapat ang supply ng harina at iba pang sangkap ng tinapay sa […]