• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paras, Torralba at Cuno makakatulong — Racela

KUMPIYANSA si Raoul Cesar ‘Nash’ Racela sa tatlong bagitong hinugot ng Blacwater sa 36th Philippine Basketball Association (PBA) Draft sa nakalipas lang na buwan.

 

 

Nilarawan ng Bossing coach sina Andre Nicholas Alonzo Paras, Joshua Torralba at Rey Mark Auno na mga batang palaban, masipag mag-hustle at hindi lang sa opensa uubra kundi maging sa depensa rin.

 

 

Maaasahan aniya sa magkabilang dulo ng court ang tatlong bagong salta para sa prangkisang Dioceldo Sy kaya pinapirma na ito bago mag-Enhanced Community Quarantine sa COVID-19 sa kasalukuyang buwan.

 

 

Lagas si Rey Mark ‘Mac’ Belo sanhi ng Baser Amer trade buhat sa Manila Electric Company o Meralco kaya ipapanalpak sa  front court ng koponan ang 6-foot-4 na si Paras at 6-7 Acuno.

 

 

“Both are young bigs, utility guys,” panapos na hirit ng coach.

 

 

“They could give you different things.”

 

 

Isang guard naman ang 6-2 na si Torralba na magiging katuwang o kapalitan ni Amer sa backcourt pati nina Paul Desiderio at Diego Miguel Dario.

 

 

First pick ng koponang pabango sina Acuno at Torralba sa second round (14th at 15th overall) habang sa third round (27th overall), nadale ang ikalawang henerasyong Paras sa unang Asia’s play-for-pay hoop.

 

 

Wala pang bagong petsa ang 46th PBA Philippine Cup 2021 opening na kinansela sa Ynares Center sa Antipolo sa buwang ito. Pagpapasyahan pa sa PBA Board of Governors meeting sa darating na Lunes, Abril 19 ang bagay. (REC)

Other News
  • Estudyante, 4 pa isinelda sa P448K shabu Malabon, Navotas

    MAHIGIT P.4 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa limang bagong indentified drug personalities, kabilang ang 18-anyos na estudyante matapos malambat sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Navotas Cities.     Ayon kay Malabon police chief Col. Albert Barot, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon na […]

  • PUVs hihigpitan sa alert level 3

    Kasabay ng pagpapatupad ng alert level 3 sa National Capital Region (NCR), mahigpit na ipatutupad ng Department of Transportation (DOTr) ang istriktong basic health protocols sa mga transportasyon kabilang na ang mga public utility vehicles (PUVs).     “I am ordering all transport sectors to strictly enforce the health and safety protocols in order to […]

  • Sa mahusay na pagganap sa ‘Triangle of Sadness’: DOLLY, patuloy ang pamamayagpag dahil sa sunud-sunod na nomination

    MARAMI ang natuwa sa cute na baby girl nila Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na si Dylan Jayde na unang lumabas ang photo noong November 2022.  Naulit ito noong Christmas at sa beach getaway nila noong Bagong Taon. Nagkaroon tuloy ng debate sa social media kung sino nga ba kina Dennis at Jennylyn ang mas […]