• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBA players dismayado sa ‘pambababoy’ sa laro

Binatikos ng ilang PBA play­­-­­­ers at coaches ang umano’y “pambababoy” ng ilang players sa kasalukuyang VisMin Super Cup na naka-bubble setup sa Alcantara, Cebu.

 

 

Nanguna sa listahan ng mga pumuna si NLEX player Kiefer Ravena na lubos na nalungkot sa pambabastos sa sport na nagsisilbing kabuhayan ng maraming players.

 

 

“Sad to see people/players playing the sport that gives livelihood to a lot of athletes. Wish they could treat it with respect and integrity,” ani Ravena sa kaniyang Twitter post.

 

 

Hindi rin maitago nina San Miguel guard CJ Perez, Magnolia Hotshots star Paul Lee, Magnolia veteran Marc Pingris, Bacon Austria, Robert Bolick at Gilas Women standout Jack Animam ang kanilang pagkadismaya.

 

 

Nakiisa rin sina Mighty Sports coach Charles Tiu at coach Allan Gregorio sa mga bumatikos.

 

 

“Binababoy niyo ang laro. Maraming player ang nawalan ng trabaho ngayong pandemic at gustung-gustong maglaro, kayo ‘yung mga pinagpala para makapaglaro tapos ganyan. Hindi ako perfect sa laro pero madaming questionable dito para sakin,” ani Lee.

 

 

Nag-ugat ang lahat nang mapansin ang kakaibang laro sa pagitan ng Lapu-Lapu at Siquijor noong Miyerkules kung saan kitang-kita ang lantarang “sablay” na tira kabilang na ang isang wide-open layup na namintis pa ng isang player.

 

 

Lumutang pa ang videos ng sadya ang pagmintis sa free throw ng ilang players na tila pinaglalaruan lamang ito kung saan sa unang tira ay kaliwa ang gamit habang sa ikalawang attempt, ay kanan naman ang gamit.

 

 

Kaya naman napaulat na nagdesisyon ang pamunuan ng liga na itigil ang laban para imbestigahan ang posibleng game-fixing issue.

 

 

“Seeing this video just infuriates me. I mean seriously? Respect the game. Being given a chance to make a living during this pandemic when people are jobless should not be taken for granted,” ani Tiu.

Other News
  • Isiniwalat ang ‘modus’ para maging babala: ARCI, nanakawan ng credit card sa loob ng eroplano

    SA pamamagitan ng kanyang TikTok account, ikinuwento ni Arci Muñoz ang kanyang nakatatakot na karanasan sa loob ng eroplanong sinakyan pabalik ng Pilipinas.     Nilagyan niya ito ng title na, ‘Horror Story in the Sky.’     “Hi, let me tell you a story about the experience I had going back home from Japan,” […]

  • VP Sara, sanay na ginagawang‘punching bag’ para itago ang korapsyon sa gobyerno

    MULI na namang binira ni Vice-President Sara Duterte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang hamunin nito sa kanyang Facebook live, Linggo ng gabi ang mga matataas na opisyal ng gobyerno na sumailalim sa drug test at paalalahanan ang kanyang mga taga-suporta na mayroong karapatan ang mga ito na magdaos ng mapayapang pagtitipon.     Sa […]

  • Go, nangakong muling ihahain ang batas na magbabalik sa death penalty para sa ilegal na droga, pandarambong

    HANDA si Senador Christopher “Bong” Go na muling ihain ang batas na magbabalik sa death penalty para sa ilegal na droga at pandarambong sa susunod na Kongreso.     Matatandaang isinulong ni Go ang Senate Bill No. 207, na naglalayong muling ibalik ang death penalty, noong Hulyo 2019.     Subalit, nabigo namang maipasa ang […]