5 lumabag sa curfew sa Caloocan, nahulihan ng shabu
- Published on April 19, 2021
- by @peoplesbalita
Kulong ang limang indibidwal kabilang ang dalawang ginang na nahuli dahil sa paglabag sa curfew matapos makuhanan ng shabu sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan city.
Dakong 1:50 ng madaling araw, nagsasagawa ng “Oplan-Galugad” sa Warayan Street, Minamonte Heights, Barangay 180 ang mga pulis nang mamataan nila sina Marco Nazul, 52, construction worker at Allan Sibug, 57, tricycle driver na lumabag sa curfew.
Nang mapansin ng dalawa ang mga pulis ay tinangkang tumakas ng mga ito subalit, kaagad silang naaresto nina P/Cpl, Daddie Antonio Jr at Pat. Ivan Jay Estanislao na kabilang sa grupong pinamumunuan ni P/Capt. Jansen Ohrelle Tiglao.
Inatasan ng mga pulis ang dalawa na ilabas ang laman ng kanilang bulsa at nakuha sa kanila ang tig-isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang aabot sa P5,032,00 lahat ang halaga.
Alas-11:20 ng gabi nang respondehan ng mga tauhan ni Bagong Barrio Sub-Station head PLT Julius Villafuerte, kasama ang 2nd MFC RMFB NCRPO ang natanggap na SMS sa pamamagitan ng NCRPO Compliance Monitoring System na may Ref# R210409-1442 sa Progreso St. Brgy. 151, Bagong Barrio.
Pagdating sa lugar, naispatan ng mga pulis sina Mary Grace Cañete, 37, Ma. Lany Morales, 54, at Cecilio Mabongga, 58, na gumagala na malinaw na paglabag sa city ordinance No. 0889 subalit, nang lapitan nila para alamin ang kanilang pagkakilanlan ay nagtakbuhan ang mga ito.
Hinabol sila ng mga pulis at nang makorner ay inatasan ang tatlo na ilabas ang laman ng kanilang mga bulsa at nakuha kay Cañete ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu, dalawang plastic sachets naman ng shabu ang nakumpiska kay Morales at isang plastic sachet ang narekober kay Mabongga na tinatayang aabot lahat sa P9,724 ang halaga. (Richard Mesa)
-
PBBM, nanawagan ng pagkakaisa sa gitna ng mga bagyo
NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Lunes, Nobyembre 18 sa sambayanang Filipino ng pagkakaisa sa harap ng kamatayan at pagkawasak na iniwan ng serye ng mga bagyo sa bansa. “Our collective faith and prayer to the Almighty is the most powerful tool that we have to weather these storms and the […]
-
SHARON, ‘di lang si Direk DARRYL ang pinasalamatan pati na ang staff at crew ng ‘Revirginized’
ILANG linggo na lang at mapapanood na sa Vivamax ang Revirginized na pinagbibidahan ni Megastar Sharon Cuneta na mula sa malikot na panulat at direksyon ni Darryl Yap. Ni-repost ni Sharon sa kanyang Instagram ang pinost na photo ng kanyang leading man na si Marco Gumabao na may caption ng mahabang mensahe ng […]
-
Babantayan ng netizens kung mananatiling marangal: VIC, proud papa dahil reelected bilang Mayor ng Pasig si VICO
ASTIG na naman ang episodes ng FPJ’s Ang Probinsyano dahil nagkakagulo ang mga kalaban ng Task Force: Agila headed by Coco Martin. Mainit ang ulo nina Lorna Tolentino (the first lady), John Arcilla (Renato Hipolito) at Tirso Cruz (Sec. Arturo Padua) dahil nakuha nina Cardo ang pekeng president. Sa video message ni Mariano (the fake president), sinabi nito […]