• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga miyembro ng media, kasama na sa A4 priority group list para mabakunahan ng COVID vaccine

KABILANG na ang mga miyembro ng media sa nabigyan ng prayoridad kaugnay ng nagpapatuloy na vaccination program ng gobyerno.

 

Ito ang nakasaad sa pinakahuling resolusyon na inilabas ng Inter Agency Task Force (IATF) kasunod ng ginawang pag- aapruba sa Priority Group A4 of the National COVID-19 Vaccine Deployment Plan.

 

Saklaw ng resolusyon ang kapwa nasa pribado at mga government news media na una na ring inihirit ng ilang mambabatas na makasama sana sa priority list ang mga nasa larangan ng pamamahayag.

 

Sa kabilang dako, pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go ang hakbang na ito ng national government dahil malinaw na pagkilala ito sa ‘nature’ ng trabaho at halaga ng gampanin ng media workers na panatilihing makapagbigay ng impormasyon sa publiko  hinggil sa pandemya.

 

“Nagpapasalamat po tayo sa national government dahil dininig nila ang ating apela na isama ang mga miyembro ng media sa priority list para sa bakuna laban sa COVID-19,” ani Go.

 

“Ang media ay napakaimportanteng sektor at maituturing ding essential workers dahil sa tungkulin na kanilang ginagampanan. Sila ang nagdadala ng balita at kasangga natin sila sa pagbibigay ng tamang impormasyon sa publiko,” paliwanag ni Go..

 

Sa araw-araw na coverag, ay  palagi aniyang exposed sa banta ng COVID-19 ang media workers kaya dapat lang  na maproteksyunan agad ang mga ito ng bakuna.

 

Nauna rito, sinabi ni Testing czar Secretary Vince Dizon na isasama na ang mga miyembro ng  media sa  A4 group ng vaccine priority list ng pamahalaan na binubuo ng frontline personnel sa essential sectors.

 

Sinabi naman ng National Economic and Development Authority na ang A4 classification ay kinabibilangan ng mga manggagawa  na mayroong “high levels of interaction with or exposure to the public” at economic sectors na kailangang matiyak ang  “security, consumers and worker safety.”

 

Bago pa nagsimula ang vaccine rollout, nauna nang umapela si Go sa pamahalaan na isama ang mga miyembro ng media sa COVID-19 priority list na walang pagpigil o pagkontra sa ibang sektor na kinilala na bilang prayoridad gaya ng  frontliners, senior citizens at iba pang vulnerable sectors.

 

“Dapat po ang media ay bigyan din ng prayoridad ‘pag andyan na ang safe at epektibong vaccine para tuluy-tuloy din po ang inyong pagtatrabaho, pagko-cover at pagdadala ng balita sa ating mga kababayan,” ang pahayag ni Go.

 

Sa kabilang dako, pinuri rin ni Go ang mga essential workers na ang gampanin ay matapang na harapin ang hamon na dala ng COVID-19.

 

Ang mga media workers ani Go lalo na ang field reporters, ay katulad din ng mga frontliners  na isinusugal ang kanilang kaligtasan para lamang mapanatili na maipaalam sa sambayanan ang situwasyon ng bansa sa COVID-19 .

 

“Saludo po tayo sa kagitingan ng lahat ng frontliners. Bukod sa mga medical at uniformed personnel, kilalanin rin natin ang serbisyo at sakripisyo ng iba pang mga ordinaryong manggagawa, tulad ng media, na nakikipagbayanihan sa laban na ito,” diing pahayag ni Go.

 

Samantala, hinikayat naman ni Go ang publiko na magpabakuna na “as soon as they are eligible.”

 

Hinimok din nito ang lahat na turuan ang kanilang sarili ukol sa bakuna partikular na hinggil sa ‘safety and   efficacy’ nito at mangyaring ang asahan at paniwalaan lamang ay ang mga verified information na ipinalalabas ng tamang awtoridad at  health experts at umiwas sa fake news.

 

“Sabi ko nga, magtiwala kayo sa bakuna. Huwag kayong matakot sa bakuna. Matakot kayo sa COVID-19. Ang bakuna po ang solusyon para malampasan natin itong problemang ito … bakuna po ang tanging susi para ma-attain po natin ‘yung herd immunity sa community,” paliwanag ni Go.

 

At sa pagbibigay aniya ng tamang impormasyon, sinabi ni Go na mapapalakas nito ang komunidad na mas lalo pang magpartisipa sa bayanihan.

 

Kaya nga, hinikayat ni Go ang media na patuloy na magbigay ng “timely, accurate and relevant information” sa publiko para mapalakas ang kumpiyansa sa bakuna at  mas lalo pang mapataas ang  awareness sa lahat ng pagsisikap na ginagawa para magupo o matalo ang COVID-19.

 

“Makiisa po tayong lahat. Bawat isa sa atin ay may mahalagang papel na ginagampanan sa laban na ito. Hindi po ito laban ng gobyerno lamang kundi laban ng buong sambayanang Pilipino. Hindi ito panahon para magsisihan. Panahon ito upang makipagtulungan,” giit ni Go. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • US Embassy sa Ukraine pansamantalang isasara

    INANUNSYO ni US Secretary of State Antony Blinken na kanila ng isasara ang US Embassy sa Kyiv, Ukraine dahil sa patuloy na pagdami ng puwersa ng Russian forces sa border ng nasabing bansa.     Dagdag pa nito na pansamantalang ililipat naman ang maliit na bilang ng mga diplomatic personnel sa Lviv City sa nasabing […]

  • Robredo voters lumobo habang Marcos dumapa nang kaunti sa survey — Pulse Asia

    BAHAGYANG  nabawasan ang mga Pinoy na iboboto sa pagkapangulo si survey frontrunner Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. habang umakyat naman ang mga nagsabing kay Bise Presidente Leni Robredo sila ngayong Mayo 2022, ayon sa Pulse Asia.     Ito ang lumabas na resulta, Miyerkules, matapos ang pag-aaral na ginawa mula ika-17 hanggang ika-21 ng Marso sa […]

  • 12 nanalong senador naiproklama na

    IPRINOKLAMA na ng Commission on Elections na umuupo bilang National Board of Canvassers nitong Miyerkules, Mayo 18, ang 12 senador na nanalo sa nakalipas na May 9, 2022 National at Local Elections.     Alinsunod sa NBOC Resolution No. 002-22, iprinoklama na sina ­Senators-elect Robin Padilla, Loren Legarda, Raffy Tulfo, Sherwin Gat­chalian, Francis ‘Chiz’ Escudero, […]