• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 BATA NASAWI SA SUNOG SA CALOOCAN

Kaawa-awa ang sinapit ng dalawang bata na kapwa tatlong taong gulang matapos ma-trap nang sumiklab ang sunog sa dalawang palapag na bahay sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Dead-on-arrival sa Caloocan City Medical Center sanhi ng tinamong sunog sa katawan ang biktimang si Kendal Janda, babae habang hindi rin umabot ng buhay sa Tondo Hospital sanhi ng suffocation si Mikho Cabansag.

 

 

Base sa report ni Arson Investigator FO1 Billy Reuben Umipig kay Caloocan Bureau of Fire Protection (BFP) Director FCINSP. Bernard Batnag Jr., dakong 6:35 ng gabi nang makatanggap sila ng tawag mula sa 911 hinggil sa naganap na sunog sa 190 Ana Bustamante St. 2nd Avenue, Brgy. 43.

 

 

Kaagad inatasan ni Fire Insp. Elyzer Ruben Leal, hepe ng Caloocan BFP Investigation Intelligence Office ang kanyang mga tauhan na rumesponde sa naturang lugar kung saan ideneklarang fireout ang sunog dakong alas-6:44 ng gabi.

 

 

Isang Alvin Ramos na residente sa naturang lugar ang tumulong na makuha sa nasusunog na bahay ang mga biktima at kaagad isinugod ang mga ito sa naturang pagamutan.

 

 

Sa imbestigasyon ni FO1 Umipig, tatlong pamilya ang naapektuhan ng sunog na nagsimula sa isang kuwarto sa unang palapag ng bahay habang tinatayang nasa P60,000 ang halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy.

 

 

Patuloy ang imbestigasyon ng Caloocan BFP upang matukoy ang tunay na pinagmulan ng sunog. (Richard Mesa)

Other News
  • Filipino-Chinese businesses, umaasa sa state visit ni PBBM sa China; itutulak ang joint exploration talks

    KUMPIYANSA ang Filipino-Chinese businesses na ang nalalapit na state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa  China ay makapagpapalakas sa larangan ng kooperasyon kabilang na ang potensiyal na joint exploration ng mga  resources sa  West Philippine Sea. Nauna nang sinabi ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) na ang mga […]

  • Ads March 12, 2024

  • Number coding suspendido sa Biyernes

    INANUNSIYO ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang suspensyon ng number coding sa darating na Biyernes, dahil sa obserbasyon sa Eid’l Fitr o Piyesta ng Ramadan.     Ito ay bilang pagsunod sa inilabas na Proclamation No. 201 ng Malacañang na nagdedeklara sa Abril 21 bilang regular holiday dahil sa Ramadan.     Naglabas na […]