• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Priority Group A4 list, aprubado na

INAPRUBAHAN na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang Priority Group A4 ng National COVID-19 Vaccine Deployment Plan.

 

Ang Priority Group A4 ay kinabibilangan ng mga commuter transport (land, air, at sea), kasama ang logistics; public at private wet at dry market vendors; frontline workers sa mga groceries, supermarkets, delivery services; mga manggagawa sa paggawa ng pagkain, inumin medical at pharmaceutical products; frontline workers sa food retail, kabilang na ang food service delivery; frontline workers sa private at government financial services; at frontline workers sa mga hotels at accommodation establishments.

 

Kabilang din sa Priority Group A4 ay ang mga pari, rabbis, imams, at iba pang religious leaders; security guards/ personnel na nakatalaga sa tanggapan, ahensiya, at organisasyon na -identified sa listahan ng priority industries/sectors; frontline workers sa private at government news media; customer-facing personnel of telecoms, cable at internet service providers, electricity distribution at water distribution utilities; frontline personnel sa basic education at higher education institutions at agencies; at overseas Filipino workers, kabilang na ang mga naka-iskedyul para sa deployment sa loob ng dalawang buwan.

 

Frontline workers sa law/justice, security, at social protection sectors; frontline government workers na engaged a mga operations ng government transport system, quarantine inspection; worker safety inspection at iba pang COVID-19 response activities; frontline government workers na in-charge sa tax collection, assessment ng businesses para sa incentives, election, national ID, data collection personnel; diplomatic community at Department of Foreign Affairs (DFA) personnel sa consular operations; at Department of Public Works and Highways personnel na in-charge sa pagmo-monitor ng government infrastructure projects ay bahagi na rin ng Priority Group A4 list.

 

Inaprubahan din ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque ng IATF ang pagpapatuloy ng training o pagsasanay ng national athletes sa Olympic Training Bubble sa Calamba, Laguna, extension ng temporary suspension ng foreign nationals hanggang Abril 30, 2021, habang ang foreign nationals na may “valid entry exemption documents duly issued by the DFA prior to March 22, 2021” ay papayagan nang makapasok ng bansa.

 

Samantala, inaprubahan naman ng IATF ang extension ng risk-level classification ng Quirino Province sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine hanggang Abril 30, 2021.

Other News
  • Extension ng travel restrictions sa 10 bansa, inaprubahan ni PDU30

    INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na i-extend o palawigin ang travel restrictions sa sampung bansa sa simula Agosto 1 hanggang Agosto 15 ngayong taon.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Hary Roque, kasama rito ang India, Pakistan, Nepal, Sri Lanka, Bangladesh, Oman, United Arab Emirates, indonesia, Malaysia at […]

  • 16 organisasyon iniuugnay sa Reds bilang ‘terror groups’

    PINANGALANAN ng Anti-Terrorism Council (ATC) ang 16 na underground organizations na iniuugnay sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) bilang grupong terorista.     Sa Resolution No. 288 (2022) na may petsang Enero 26 at nilagdaan ni ATC vice chairperson at National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., may nakitang probable cause ang ATC […]

  • Napa-OMG dahil sa sariling wax figure: LEA, pang-apat na Pinoy celeb sa Madame Tussauds Singapore

    MAGKAKAROON na ng kanyang sariling wax figure sa Madame Tussauds in Singapore ang Filipino international star na si Lea Salonga.       Deserve ni Lea ang pagkilalang ito dahil siya ang kauna-unahang Filipino na manalo ng Tony Award para sa ‘Miss Saigon’. Tinanghal din si Lea bilang isa sa Disney Legends. Aktibo pa rin […]