• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

17 sangkot sa game-fixing scandal sa MPBL, haharap na sa kasong kriminal

Magsasampa na ang mga prosecutors ng criminal charges laban sa 17 indibidwal na sinasabing sangkot sa match-fixing scandal sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) noong 2019.

 

 

Sa resolusyon ng Department of Justice (DoJ), nakitaan daw ng probable cause ang isinampang reklamo laban sa mga naturang indibidwal dahil sa paglabag sa Presidential Decree 1602 na may kaugnayan sa Presidential Decree 483 at nagbibigay ng parusa sa game-fixing o point shaving maging ang machinations sa sports contests.

 

 

Kabilang sa mga kakasuhan sina Mr. Sung na humaharap sa 14 counts ng game-fixing; Sonny Uy, 9 counts; Serafin Matias, Jr., 7 counts; Ferdinand Melocoton, 4 counts; Jake Diwa, 14 counts: Exequiel Biteng, 13 counts; Jerome Juanico, 14 counts; Matthew Bernabe, 12 counts; Abraham Santos, 10 counts; Ricky Morillo, 1 count; John Patrick Rabe, 7 counts; Ryan Regalado, 9 counts; Julio Magbanua, Jr., 10 counts; Janus Lozada, 1 count; Joshua Alcober, 1 count; @Kein aka Kein Zhu, 3 counts at @Emma aka Emma Meng, 1 count.

 

 

Ang mga sangkot sa game-fixing ay kinabibilangan din ng ilang players ng SOCCSKSARGEN Marlins.

 

 

Samantala, ibinasura naman ng DoJ ang reklamong 17 counts ng betting at multiple counts ng point shaving dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensiya.

 

 

Ibinasura rin ng DoJ ang multiple counts ng game-fixing laban kina Kevin Espinosa, EJ Avila, NiƱo Dionisio at Nice Ilagan.

 

 

Sinabi noon ng MPBL na naganap ang paglabag ng mga indibidwal sa mga isinagawang laro sa Pasay; Pasig; Navotas; Caloocan; Muntinlupa; Batangas City; Bacoor, Cavite; Malolos, Bulacan; Angeles, Pampanga at Bacolod City mula Huloy hanggang Oktubre noong 2019.

 

 

Taong 2017 nang itatag ni Sen. Manny Pacquiao ang semi-professional MPBL.

Other News
  • Upang maging ganap na batas: PBBM, tinintahan ang VAT on foreign digital services

    PORMAL nang tinintahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Value Added Tax on Digital Services o ang Republic Act No. 12023 na nagpapataw bg 12% VAT sa mga non-resident digital service providers para makakuha ng dagdag na revenue o kita ang gobyerno.   Ginawa ang ceremonial signing ng Republic Act 12023 sa Ceremonial Hall […]

  • Ads June 20, 2024

    adsjune_202024

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 8)

    ISANG hindi inaasahang pagbaha dahil sa bagyo ang naranasan ng mga taga San Gabriel partikular ang mga taga- Villa Luna Subdivision na siyang naging sentro ng malaking baha. Habang ang mag-inang Angela ay kapwa takot na nilalabanan ang lupit ng kanilang kapalaran sa bawat agos ng tubig, si Bernard naman ay matapang na hinaharap ang […]