• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

OPISYAL NG MPD-STATION 7 SINIBAK SA PUWESTO

TINANGGAL na sa puwesto ang ilang opisyal ng Manila Police District (MPD) -Station 10 matapos na nasangkot sa pangha-harras sa isang miyembro  ng media sa Maynila.

 

Ito ang kinumpirma  ni MPD District Director Brig.General Leo Francisco kasabay ng isasagawang imbestigasyon ng D7 sa pangyayari.

 

 

 

Ang pagsibak sa mag opisyal ng MPD-Station 10 ay bunsod sa pag-aresto sa reporter ng radio station ng PTV 4 (Radyo Pilipinas) na si Lorenz Tanjoco.

 

Kabilang sa mga sinibak ay sina  PLt Joel Pinon  bilang Beata PCP Commander, PSMS Jonathan Hernandez, PCpl Charles Bronzon Dela Torre, Pat Marvin Anthony Comboya at Pat Jonathan Abad.

 

Linggo ng hapon ng masita sa chekpoint si Tanjoco dahil sa walang suot na facemask dahil sa kadahilanang natanggal ito habang nagmomotorsiklo.

 

Sa kabila ng paliwanag ni Tanjoco ay tinuluyan pa rin at dinala sa Baeta Police Community Precinct kung saan siya ikinulong na tumagal na mahigit sampung oras bago ito tuluyang pinalaya.

 

Ayon kay Francisco, ang mga pulis na ito ay inilipat na sa DIDMD/D7 ng MPD habang isinasagawa ang imbestigasyon laban sa kanila.

 

Ang agarang pagkakasibak sa puwesto ng mga tauhan ng MPD ay nangangahulugan na hindi kinukunsinti ni Francisco ang abusadong mga pulis sa kanyang panunungkulan. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Implementing Rules and Regulation ng Maharlika Investment Fund ipinasuspinde muna ni PBBM

    NAGLABAS ngayon ang Malakanyang ng memorandum circular mula sa office of the Executive Secretary para sa pagsuspinde sa implementing rules and regulations o IRR ng Maharlika Investment Fund Act of 2023.     Ang memorandum ay batay sa kautusan mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos jr na suspendehin muna ito pending futher study o habang patuloy […]

  • MERYL STREEP, JAMES CORDEN, AND NICOLE KIDMAN STAR IN ‘THE PROM’

    MERYL Streep, James Corden, Nicole Kidman, Keegan-Michael Key, and Kerry Washington in The Prom, a joyous adaptation of the beloved Broadway musical — directed by Ryan Murphy.   The Prom premieres December 11 on Netflix.   Dee Dee Allen (three-time Academy Award winner Meryl Streep) and Barry Glickman (Tony Award winner James Corden) are New […]

  • Reflect on lies, overcome bitterness

    PINASARINGAN ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte  ang kanyang mga kritiko na nagpakalat at pumuna na ginamit niya ang  presidential chopper para sa kanyang personal trips.     Sa isang kalatas, sinabi Duterte na umaasa siya na magmumuni-muni sa kanilang mga kasinungalingan ang mga taong nasa likod ng malisyosong pahayag na ito.   […]