• March 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nalungkot at pinanghinaan ng loob sa viral post na withdrawal of support ng ilang heneral at opisyal ng military

INAMIN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na labis siyang nalungkot at pinanghinaan ng loob nang makarating sa kanyang kaalaman na may ilang heneral at opisyal ang nagplano na mag-withdraw ng kanilang suporta sa kanya dahil sa kanyang posisyon sa pagsalakay ng mga tsinoy sa Philippine water.

 

“Talagang downhearted ako. If we cannot work together with . . . Maybe we cannot work together on bigger things. So what’s the point?” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi.

 

Aniya, nagsumite sa kanya si Defense Secretary Delfin Lorenzana ng dokumento na aniya’y “full of foolery” sa idinaos na command conference kasama ang mga pinuno ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

 

Wala naman kina Pangulong Duterte at Lorenzana, ang nagpaliwanag hinggil sa nilalaman ng dokumento o kung sino ang nasa likod nito.

 

Binanggit din ng Chief Executive ang isang heneral na “point of concern” ng meeting, subalit hindi naman nya ito pinangalanan.

 

Sa kabilang dako, muling inulit naman ni Pangulong Duterte ang kanyang mga sinabi noon na kung ang pinuno ng mga sangay ng AFP ay hiniling sa kanya na bumaba siya sa puwesto ay kaagad siyang magre-resign at uuwi sa Davao City.

 

“Sinabi ko talaga sa kanila, ‘I do not work where I’m not needed. Then kayo na mag-explain, explain to the Filipino people bakit ganu’n’,” anito.

 

“If I cannot have the cooperation of the Armed Forces, then there’s no point in working for this government,” dagdag na pahayag ng Pangulo sabay sabing mas gusto niya na italaga ang mga retired military general bilang government officials sa halip na sibilyan.

 

Samantala, naging viral sa social media noong nakaraang linggo ang post na may 500 junior at senior military officers ang nais na tuligsain ni Pangulong Duterte ang naging pagsalakay ng China sa WPS at nalalapit na ang kanilang withdrawal of support.

 

Itinanggi naman kapuwa ng Department of National Defense at AFP ang alegasyon na na may ilang active at retired generals ang nag-withdraw na ng kanilang suporta kay Pangulong Duterte. (Daris Jose)

Other News
  • Japanese Energy firm, tiniyak ang suporta sa polisiya ni PBBM ukol sa renewable power

    TINIYAK ng isang Japanese power generation company sa  Philippine government  ang stable supply ng  liquefied natural gas (LNG) para suportahan ang economic growth ng bansa.     Sinabi ni JERA Co. Inc. presidente ng Satoshi Onoda kay Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. na ang kompanya ay nakikipagtulungan sa Aboitiz group, tumayong kinatawan si  Sabin Aboitiz, […]

  • Pagpapabalik sa Pinas ni Alice Guo, isinasapinal na -PBBM

    ISINASAPINAL na ang ‘arrangements’ para sa pagpapabalik sa Pilipinas ngayong araw ng Miyerkules, Setyembre 4 ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na naaresto ng mga awtoridad sa Tangerang City, Jakarta, Indonesia.   Sa isang ambush interview, sinabi ng Pangulo na hindi na kailangan pa ng marching order ng mga awtoridad para kumilos ang mga […]

  • Filipino Jonathan Eusebio Directs Stunts in R-Rated Holiday Action-Comedy “Violent Night”

    CHRISTMAS is back in action this year as Santa’s been trained to fight by Filipino stunt director John Eusebio in the upcoming action-comedy “Violent Night”.   From 87North’s Kelly McCormick and David Leitch, producers of bare-knuckle hit films such as Bullet Train, Nobody, John Wick, Atomic Blonde, Deadpool 2 and Fast & Furious Presents: Hobbs […]