• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PAUL, iba rin ang naging pasabog sa pag-post ng bagong underwear campaign

IBA ang naging pasabog ni Paul Salas noong nag-turn 23 years old noong nakaraang Biyernes.

 

 

Ito ay ang pag-post niya ng bagong underwear campaign niya for Bench Body.

 

 

Pinaglaway ng Kapuso hunk ang mga beki netizens sa bagong sexy pictorial niya kunsaan suot niya ay black and gray underwear.

 

 

Regalo raw ito ni Paul sa mga sumusuporta sa kanya sa social media. Tinaon niya ang paglabas ng summer campaign ng Bench Body.

 

 

“Newest bench campaign on my 23rd birthday,” caption pa niya sa Instagram.

 

 

Hindi magkamayaw ang mga beki sa ganda ng katawan ni Paul na palaban sa ganda ng katawan din ni Derrick Monasterio at Marco Gumabao.

 

 

***

 

 

NASA finishing stages na ang pinatayong bahay ni Camille Prats at mister na si VJ Yambao.

 

 

Naglakas loob na magpatayo ng bahay ang mag-asawa noong kalagitnaan ng pandemya last year.

 

 

Malaking challenge daw sa kanilang dalawa ang pagkakaroon ng lockdown at quarantine. Minsan na nilang naisip na baka ‘di matapos agad and dream house nila.

 

 

Pero sa post ni Camille sa Instagram, unti-unti nang natatapos ang dream house nila.

 

 

“FINISHING stage = the most exciting and nakakanerbyos part that tests your EQ. Haaaay, the anticipation of finally moving in. Kailan kaya? All in God’s perfect time,” caption ni Camille.

 

 

Sa photo ay three story house ang pinatayo nila Camille at JV. Tiyak na may kanya-kanyang bedrooms ang kanilang mga anak sa laki ng bahay.

 

 

***

 

 

NAKIPAG-BONDING na si Miss Universe Philippines Rabiya Mateo sa ibang Miss Universe candidates habang nasa California pa sila.

 

 

Na-meet na ni Rabiya si Miss El Salvador Vanessa Velasquez, and Miss Colombia Laura Olascuaga sa Filipino-owned O Spa and Skin Care in Cerritos, California kunsaan kinunan ang isang segment para sa Miss U.

 

 

Maingat naman daw sila sa kanilang pagkikita at ino-observe nila ang social distancing.

 

 

“It feels great. I saw Vanessa first, Miss El Salvador. And both of them, they are gorgeous, they are lovely. I am excited to meet other candidates as well.”

 

 

Hindi nga raw nakakapasyal si Rabiya sa Los Angeles dahil bukod sa pag-quarantine, ramdam pa niya ang matinding jetlag.

 

 

Kaya panay ang sorry niya sa ilang Filipino fans na gusto sana siyang nakita ng personal dahil kailangan sumunod silang lahat sa safety protocols.

 

 

“I’m really dealing with the worst type of jet lag. Actually I haven’t slept since 12 a.m. So my body is still adapting to the changes.

 

 

“It’s really crazy. I’m having a hard time waking up and eating at the right time. I haven’t been outside that much because I need to be isolated as much as possible, just to be safe. But I’ve tried several food here in California.”

 

 

“It feels great,” she said.

 

 

“I saw Vanessa first, Miss El Salvador. And both of them, they are gorgeous, they are lovely. I am excited to meet other candidates as well.”

 

 

Mateo comes into the competition knowing what a win would mean for the Philippines, a country that continues to battle a surge in COVID-19 cases.

 

 

The Miss Universe will be held on May 16 (May 17) in Manila, and will be aired live in the Philippines on the A2Z channel.  (RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Star-studded ang premiere night ng movie: ALDEN at JULIA, napakahusay at kakaiba ang pagganap

    STAR-STUDDED ang naging premiere night ng pelikulang ‘Five Breakups and a Romance’ na ginanap sa SM Megamall noong Martes ng gabi.   Ibang klase ang ipinakitang suporta ng mga kapatid ni Julia Montes sa Cornerstone Entertainment at maging ang ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ pa na kunsaan, naging bahagi rin si Julia.   At siyempre, ang mga […]

  • Dahil ramdam ang pag-aalaga at pagmamahal: ANGELICA, palagi na lang napapaiyak sa natatanggap kay JUDY ANN

    ASTIG ang dating ng bagong tattoo ni Nadine Lustre.     Isang malaki-laki rin na dragon ang pina-tattoo niya sa kanyang back right shoulder and upper arm.     Tingin namin, ito na ang pinaka-malaking tattoo na ipinagawa ni Nadine sa kanyang balat. At umaani naman ito ng mga fire emojis at papuri mula sa […]

  • P100 milyong piso, ilalaan ng DA-BFAR para palakasin ang produksyon ng asin

    MAGLALAAN  ang Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR)  ng  P100 milyong piso para palakasin ang produksyon ng asin sa bansa.     “Para sa taong 2022 isinusulong ng Department of Agriculture sa pamamagitan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang paglalaan ng pondo sa halagang P100 million,” ayon kay BFAR Chief […]