• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pamamahagi ng ayuda mula sa pamahalaan, extended ng hanggang May 15-Sec. Roque

BINIGYAN ng pamahalaan ang local authorities ng mas maraming oras para maipamahagi ang ayuda na nakalaan sa 22.9 million low income para makaagapay sa pinahigpit na COVID-19 restrictions.

 

“In-extend ang deadline na makumpleto ang pamamahagi ng financial assistance hanggang a-15 ng Mayo 2021,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

“Some local governments appealed for the deadline’s extension, citing the ban on mass gatherings. The automated or house-to-house aid distribution methods are also being tweaked to make them “more flexible”, dagdag na pahayag ni Sec.Roque.

 

Matatandaang, binigyan lamang ng 15 araw ang local governments para ipamahagi ang cash aid para sa mga residente sa Metro Manila at Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal provinces, na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ), itinuturing na “toughest lockdown level,” mula Marso 29 hanggang Abril 11.

 

Nag-shift naman ang mga nasabing lugr sa modified ECQ hanggang Abril 30.

 

Hanggang apat na miyembro ng pamilya ang makakakuha ng P1,000 kada isa sa pamilya.

 

Sinabi pa ni Sec.Roque na ang naipamahagi pa lamang ng mga awtoridad na ayuda ay P4 billion mula sa P22.9-billion funds. (Daris Jose)

Other News
  • Pagkakaantala sa pagpapatupad ng stay safe , bunga ng burukrasya -Sec. Roque

    KUMBINSIDO si Presidential Spokesperson Harry Roque na napigilan sana ang pagsirit sa kaso ng COVID 19 kung walang nangyaring pagkaantala sa pagpapatupad ng stay safe.   Ani Sec. Roque, malaking ambag sana ang implementasyon ng Stay safe para sa epektibong contact tracing.   Ang paggamit aniya sana ng teknolohiya o ang tinatawag na digital contact […]

  • 2023 URBAN GOVERNANCE EXEMPLAR AWARDS NASUNGKIT NG NAVOTAS

    HUMAKOT ng mga parangal ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa ginanap na 2023 Urban Governance Exemplar Awards ng Department of the Interior and Local Government–National Capital Region (DILG-NCR).     Nakuha ng Navotas ang High Functionality ratings para sa Anti-Drug Abuse Council at Peace and Order Council. Nakakuha rin ito ng Ideal Level of Functionality […]

  • Valentine’s Day spending ng mga Pilipino nakikitang makakatulong sa ekonomiya ng bansa

    NANINIWALA ang ilang mga ekonomista na makakatulong sa ekonomiya ng Pilipinas ang pagiging romantic ng mga Pilipino, lalo na ngayong Valentine’s Day.     Sa isang panayam, sinabi ng ekonomista na si Ser Percival Peña-Reyes na maaring tapatan ng Valentine’s Day spending ng mga Pilipino ang halaga ng mga ginastos noon namang Pasko.     […]