• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbabakuna sa mga nasa A4 priority group list kasama ang media, kasado na sa Hunyo

SA DARATING na buwan ng Hunyo nakatakda ang pagbabakuna laban sa covid 19 sa mga nasa A4 category kung saan kasama ang media.

 

“Well, ang A4 po inaasahan natin as soon as vaccines are available, mga Hunyo magsisimula na tayo,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Sa kasalukuyan ay nasa hanay pa ng mga senior citizen at mga may commorbidities ang nakasalang sa vaccination program ng gobyerno kung saan pasok sana si Sec. Roque.

 

Subalit sinabi ni Sec.Roque na hindi pa muna siya magpapabakuna dahil susulitin niya ang anti- bodies na mayroon siya.

 

Masasayang lang ani Roque ang bakuna habang mayroon pa siyang antibodies kaya’t hihintayin niya aniya ang kaunting panahon para siyay sumalang sa bakuna.

 

“Ako po, kakagaling ko lang sa COVID ‘no so marami pa po akong antibodies ngayon ‘no. Pero magpapasukat po ako ng antibodies at ang sabi naman nila mga 90 days po nitong antibodies natin.

 

So habang marami pa akong antibodies, masasayang lang iyong aking bakuna ‘no, so antayin ko muna po siguro ang kaunting panahon,” lahad nito. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Bureau of Quarantine tiniyak na wala nang delay sa paglalabas ng COVID-19 test results

    TINIYAK ng Bureau of Quarantine (BOQ) na hindi na magkakaroon pa ng delay sa paglalabas ng mga resulta ng COVID-19 RT-PCR test ng mga kababayan pauwi sa Pilipinas mula sa ibang bansa.     Ayon kay BOQ Deputy Director Dr. Roberto Salvador Jr., sa loob lamang ng 24 oras ay nakapagsumite na ng mga resulta […]

  • Hijab, taqiyah pinapayagan sa PhilSys Step 2 process

    MAAARI nang tumuloy ang mga Muslim Filipinos sa Step 2 biometrics capturing process ng Philippine Identification System (PhilSys) kahit hindi alisin ang kanilang traditional head coverings.     Ang Hijab ay isang belo o takip ng ulo na isinusuot ng maraming babaeng Muslim sa buong mundo bilang isang gawa ng kahinhinan, at isang relihiyosong kasanayan […]

  • Pacquiao- Mayweather malabo na!

    WALANG  balak si undefeated American boxer Floyd Mayweather Jr. na muling makasagupa si eight-division world champion Manny Pacquiao sa isang laban.     Kahit pa exhibition match, hindi ito papatusin ni Mayweather.     Ito ang mariing iniha­yag ng American fighter matapos ang kanyang exhibition match kay Japanese mixed martial arts fighter Mikuru Asakura sa […]