SHARON, ipinagmamalaki na ilang araw na siyang ipinagluluto ni JUDY ANN; ramdam ang pag-aalaga at pagmamahal
- Published on April 22, 2021
- by @peoplesbalita
IPINAGMAMALAKING ikinuwento ni Sharon Cuneta na ilang araw na raw siyang ipinagluluto ni Judy Ann Santos at super thankful nga siya kay Juday sa pag-aalaga sa kanya.
May sakit si Megastar at sinabi nitong may pinagdadaanan siya these past few days, base na rin sa mga posts niya.
Sabi nga niya, “Hindi po nya binebenta ito. Pero ilang araw na ako pinagluluto ng kapatid kong si Juday @officialjuday para daw lumakas at gumaling ako agad! Tulad ng pinakamasarap na Chicken Curry sa mundo na gawa nya and alam nyang paborito ko. Nung isang araw naman champorado, arroz caldo, at lahat na yata ng paborito ko pinagbuhusan niya ng panahon at pagod para lang sa akin.
“Mayat-maya tinetext nya ako. Nung isang araw magkafacetime kami. Iba si Juday sa puso at buhay ko. Hanggang kabilang buhay magkasama at magdadamayan kami. I love you with all my heart, sis. Thank you so much for taking good care of me.”
Sinagot naman ito ni Juday nang, “Feel better soon my ate.. basta kumain ka lang , i’ll take care of you kahit hanggang sa pagkain lang muna… just promise me that you will take care of yourself as well.. i love you ate.. im just here no matter what.“
Hindi naman sinasabi ni Sharon kung ano ba ang sakit o pinagdadanan niya ngayon kaya marami sa mga followers niya ang nagtatanong at nag-aalala. (ROSE GARCIA)
-
Ads January 15, 2021
-
“SCREAM” CHARACTERS: MEET THE NEXT GENERATION
JUST as the original 1996 Scream film starred a group of young actors who would go on to achieve enormous success, the makers of the 2022 Scream set out to fill their movie with an equally talented group of up-and-comers destined for stardom. [Watch the Scream – New Blood featurette at https://youtu.be/dQ0WbO5G5e0] Melissa Barrera (In the Heights) plays Samantha “Sam” […]
-
Mga dating OFW mula sa Saudi Arabia makakatanggap ng tig-P10,000 mula sa gobyerno
MAKAKATANGGAP ng tig-P10,000 na tulong ang mga nasa 10,000 na dating overseas Filipino workers (OFW) sa Saudi Arabia na hindi pa nakukuha ang kanilang mga sahod mula sa kanilang mga amo. Ayon kay Depatment of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Toots Ople na ng financial package ay mula sa pagitan ng ahensiya at […]