• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ICU beds sa NCR ‘high risk’

Nasa “high risk” na ang occupancy rate ng intensive care unit (ICU) beds sa National Capital Region dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng naitatalang kaso ng COVID-19.

 

 

Sa datos ng Department of Health (DOH), hanggang nitong Abril 18, ang ICU utilization rate sa Metro Manila ay nasa 84% na; 73% sa Cordillera Administrative Region (CAR); 88% sa Cagayan Valley, 87% sa Central Luzon at 83% sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon).

 

 

Sa ilalim ng DOH guidelines, ang isang rehiyon ay kinaklasipikang moderate risk kung ang ICU rate nito ay nasa pagitan ng 60% at 69%; high risk kung sa pagitan ng 70% at 84%, at critical risk kung nasa 85% pataas.

 

 

Samantala, ang pang­kalahatang healthcare utilization rate (HCUR) naman na tumu­tukoy sa occupancy ng mga ward, isolation at ICU beds, sa naturang limang rehiyon ay nasa moderate to high risk.

 

Ang HCUR sa CAR, Cagayan Valley, at Calabarzon ay pawang nasa high-risk zone na ma-tapos umabot sa 70% pataas.

 

 

Dahil dito, umapela  si PGH spokesman Dr. Jonas del Rosario na mapapalawig ang umiiral na modified enhanced community quarantine (MECQ) sa NCR Plus ng higit pa sa Abril 30 upang mas mapabagal ang impeksyon.

 

 

Binanggit ni Del Rosario na sa PGH, limang pasyente na may COVID-19 ang nasasawi kada araw sa loob na ng tatlong linggong mag-kakasunod.

 

 

Ito ay dahil sa dami ng pasyente na nakaratay sa ospital. Puno na umano ang 30 higaan sa kanilang ICU at maging ang 25 higaan sa emergency room habang 220 sa 250 COVID beds ang okupado.

 

 

Mas malala umano ang sitwasyon ng PGH kung ikukumpara noong nakaraang taon. Tulad ng ibang ospital, kailangan din ngayon na maghintay ang mga pasyente bago sila makakuha ng higaan sa ICU. (Daris Jose)

Other News
  • Legendary Director Ridley Scott Brings to the Big Screen a Spectacle-filled Action Epic in “Napoleon”

    Watch Ridley Scott talk about his work in Napoleon in the “Real Filmmaking” vignette, in cinemas November 29.   Ridley Scott’s brilliant filmmaking is unmatched. See the acclaimed director’s work on the big screen in Napoleon, starring Academy Award® winner Joaquin Phoenix and Vanessa Kirby (The Crown, Mission Impossible movies), in cinemas November 29.   […]

  • Ads March 29, 2021

  • Catriona, nagpasalamat at nagbigay ng suporta: PIA, labis na nanghinayang na ‘di nakapasok sa Top 5 si MICHELLE

    LABIS na nanghihinayang si Miss Universe 2015 Pia Wirtzbach na nalaglag sa Top 5 ang pambato ng Pilipinas na si Michelle Marquez Dee sa katatapos na 72nd Miss Universe na ginanap sa El Salvador     Ang Top 5 finalists pa naman ng beauty pageant makikilatis ang galing ng mga kandidata sa question-and-answer portion.     […]