• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagtahan exit ramps ng Skyway 3 binuksan

Binuksan noong nakarang Huwebes ng San Miguel Corp. (SMC) ang Nagtahan northbound at southbound exit ramps ng elevated Skyway Stage 3.

 

 

Sa pamamigitan ng northbound at southbound exit ramps ang mga motorista ay maaari ng dumaan papuntang Sta. Mesa at iba pang lugar deretso na sa Manila.

 

 

Ayon kay SMC president mababawasan ang travel time papuntang Manila dahil luluwag na ang traffic sa mga congested na lugar sa kahabaan ng mga daan papuntang Sta. Mesa.

 

 

“Motorists coming from the South Luzon Expressway, North Luzon Expressway or other points of entry to the Skyway 3 can now opt to get to their destinations in Manila faster, without having to go through traffic jams on major roads and busy streets,” sabi ni Ang.

 

 

Nangako naman si Ang na pipilitin nilang matapos pa ang mga natitirang access ramps ng Skyway 3 sa lalong madaling panahon.

 

 

Ang northbound ramps na bubuksan pa lang ay ang sa Quirino exit papuntang Roxas Boulevard, Quirino entry, Nagtahan entry, E. Rodriguez entry at Sgt. Rivera (C3) exit.

 

 

Sa southbound naman ang access points na bubuksan pa lamang ay ang A. Bonifacio entry, Sgt. Rivera exit and entry at Quirino exit.

 

 

“With the support of government agencies such as Departments of Public Works and Highways and Transportation and the political will of President Duterte, we were able to accomplish more, even with quarantine restrictions in place. We are counting on their continued support as we continue to work full blast to complete the remaining ramps,” dagdag ni Ang.

 

 

Ang mga operational access ramps naman ng Skyway 3 ay ang mga sumusunod: Buendia (Zobel) entry, Quirino Avenue exit, Nagtahan exit, Quezon Avenue exit, Quezon Avenue entry, A. Bonifacio exit at Balintawak exit para sa northbound. Habang ang bukas na sa southbound naman ay ang Balintawak entry, Quezon Avenue exit, Quezon Avenue entry, E. Rodriguez exit, Nagtahan exit, Plaza Dilao entry at Buendia exit.

 

 

Sinabi naman ni DPWH secretary Mark Villar na sinasamantala ng SMC ang taginit upang bumilis ang pagtatayo ng mga ramps sapagkat gusto ng pamahalaan na maramdaman ng mga mamayan ang mga benipisyo ng pagkakaron ng karagdagan interchanges sa pagitan ng Buendia at NLEX.

 

 

“The opening of all interchanges will further reduce traffic gridlocks along EDSA, Quezon Avenue, Araneta Avenue, Nagtahan at Quirino Avenue,” saad ni Villar.

 

 

Binuksan ng SMC ang main alignment ng elevated expressway noong nakaraang January subalit nabalam ang pagbubukas ng ibang access ramps dahil sa problema sa right-of-way. (LASACMAR)

Other News
  • Ads February 28, 2023

  • DA, nagtakda ng suggested retail price na P125/kilo ng imported red onions

    NAGTAKDA ang Department of Agriculture (DA) ng suggested retail price (SRP) na P125 kada kilo sa mga inangkat na pulang sibuyas sa Metro Manila simula bukas dahil nananatiling mataas ang presyo ng mga bilihin.     Inaprubahan ng Department of Agriculture (DA) ang suggested retail price (SRP) kasunod ng endorsement mula sa mga importer, traders […]

  • PEKENG FB ACCOUNT NG FB, BINALAAN

    NAGBABALA  ang National Bureau of Investigation (NBI) sa publiko kaugnay sa pekeng Facebook page ng ahensya  na nag-aalok ng serbisyo ng ahensya.   Sa abiso ng NBI, ang “NBI ONLINE APPOINTMENT 2021” ay hindi  official facebook page ng NBI- Information and Communications technology Division  (NBI-ICTC) o anumang konektadong division o ng NBI.   Ayon pa […]