• January 7, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pondo ng NTF-ELCAC gawin na lang ayuda

Matapos ang red-tagging sa mga organizer ng community pantry, nais ng ilang senador na tanggalan ng pondo ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

 

 

Sa tweet ni Sen. Joel Villanueva, sinabi niya na ang kasalukuyang P19 bilyon budget ng NTF-ELCAC sa susunod na budget ay ilaan para sa ayuda, habang ang pondo nito sa susunod na taon ay alisin na.

 

 

Inayunan naman ni Sen. Sherwin Gatchalian si Villanueva at sinabing kung ang ganitong klase ng tao ang gumagastos ng pinaghirapang buwis ng taumbayan ay hindi karapat-dapat bigyan ng pondo.

 

 

Iminungkahi naman ni Sen. Nancy Binay, na i-review ang pondo ng task force lalo na nga-yong paparating na ang budget season at bubusiin nilang mabuti ang budget ng NTF-ELCAC.

 

 

Matatandaan na inihalintulad ni Parlade ang community pantry ni Ana Patrcia Non sa pagbibigay ni satanas ng mansanas kay eba.

Other News
  • Valenzuela pinasinayaan ang pangatlong WES events space

    SA layuning makapagbigay ng accessible at abot-kayang mga event space para sa Pamilyang Valenzuelano, pinasinayaan ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian ang isa pang WES Events Space sa Brgy., Canumay West.       Ang pasilidad ay nagsisilbing ikatlong WES Events Space sa lungsod, kasunod ng matagumpay na pagbubukas sa […]

  • Ngayong Semana Santa: PBBM, hinikayat ang mga katolikong bansa na maging “better agents of change”

    HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.  ang mga Katolikong bansa na maging “better agents of change” sa pamamamagitan ng pagkilala pa sa mahal na Poong Hesukristo sa panahon ng paggunita ng Mahal na Araw.  Sa mensahe ng Pangulo, sinabi nito na bagama’t ito’y mahirap na maunawaan, ang mensahe ng kaligtasan at buhay na walang […]

  • DAYUHANG MAGULANG, ANAK NA PINOY, EXEMPTED NA SA EED

    INANUNSIYO ng Bureau of Immigration (BI) na ang mga dayuhang magulang at anak nilang Filipino ay maaari nang pumasok ng bansa kahit walang entry exemption document (EED) mula sa Department of Foreign Affairs (DFA).     Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na bagama’t knakailangang magpakita ng EEDs ang nasabing mga dayuhan sa kanilang pagdating […]