• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MECQ ‘dapat i-extend pa ng hanggang 2 linggo’ sa NCR Plus, sabi ng DOH

Kung ang Department of Health (DOH) ang tatanungin, dapat pang ipalawig ang ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa rehiyon ng NCR Plus dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.

 

 

Sakop ng NCR Plus — na nasa MECQ sa ngayon — ang National Capital Region, Rizal, Cavite, Laguna at Bulacan.

 

 

“Kung titingnan natin ang datos, tingin ko talagang kinakailangan ipagpatuloy ang MECQ for another week or two dahil nga ‘yung ating health system capacity, hindi masyadong nag-iimprove pa sa ngayon,” ani Health Secretary Francisco Duque III, Lunes sa panayam ng dzMM Teleradyo.

 

 

“Patuloy pa ring may ilang syudad ang may critical risk classification ang kanilang ICU capacity.”

 

 

Sa ilalim ng MECQ, mas maraming sektor na ang pinapayagang mag-operate kumpara sa enhanced community quarantine. Sa kabila niyan, hinihikayat pa rin ang work from home at iba pang flexible work arrangements. Piinapayagan ang mga pagtitipon-tipon ngunit hanggang 10% venue capacity lang ang pwede.

 

 

Lalagpas ng 1 milyong COVID-19 cases ang Pilipinas ngayong araw kung magtutuloy-tuloy ang nasa 8,791 na average new cases sa nakaraang pitong araw. Kasalukuyan itong nasa 997,523, ayon sa datos ng DOH nitong Linggo.

 

 

Kanina lang nang sabihin ni Dr. Tony Leachon, dating special adviser ng national Task Force Against COVID-19, na dapat nang i-ban ng Pilipinas ang direct flights galing sa bansang India dahil na rin sa bagong B.1.6.17 COVID-19 variant na nananalasa roon.

 

 

India pa rin ang ikalawang may pinakamataas na COVID-19 cases sa buong mundo ngayon ayon sa World Health Organization.

 

 

“The congested living conditions in India especially in their major cities are just so predisposed to covid escalation,” ani Leachon. (Gene Adsuara)

Other News
  • John Amores ng JRU ay nahaharap sa indefinite suspension pagkatapos ng NCAA rampage

    Si John Amores ng Jose Rizal University (JRU) ay sinampal ng indefinite suspension ng NCAA.   Ibinaba ng NCAA Management Committee ang mabigat na parusa noong Miyerkules matapos ang maingat na pag-uusap ng mga opisyal ng liga.   Sinalakay ni Amores ang bench ng College St. Benilde sa huling quarter ng kanilang laro noong Martes […]

  • POGO hubs sa Metro Manila, bantay-sarado sa NCRPO

    BANTAY-SARADO sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Kalakhang Maynila sa paglulunsad ng “ReACT POGO”.     Ito ang sinabi ni NCRPO Director PMaj. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. dahil kadalasang ginagamit ang POGO sa iba’t ibang uri ng krimen.     Ayon kay Nartatez, inilunsad ang […]

  • JUSTIN BIEBER, nakatanggap nang matitinding bashing dahil sa short dreadlocks at pinag-a-apologize

    NAKATANGGAP ng matitinding bashing sa social media si Justin Bieber dahil sa kanyang bagong hairstyle.     Nagpa-short dreadlocks si Bieber para sa release ng kanyang bagong album. Pero imbes na maraming matuwa, binash ang pop singer dahil sa inasal niyang     “cultural appropriation and racial insensitivity.”     Ayon sa isang concerned netizen: […]