• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Diaz may plano para sa mga nais maging weightlifter

Sakaling dumating ang oras na kailangan na niyang magretiro ay gusto ni national weightlifter Hidilyn Diaz na maging opisyal ng Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP).

 

 

Ito, ayon sa 30-anyos na tubong Zamboanga City, ay para matulungan ang mga batang weightlifters na makapaglaro rin sa Olympic Games kagaya niya.

 

 

“Siguro iyong purpose ko kasi kaya ako nandito pa rin at naglalaro, gusto ko talaga na maraming Pilipino na papasok sa weightlfiting, mag-try sila ng weightlifting,” sabi ng 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist.

 

 

“I’m hoping na after ng career ko, maging official ako sa weightlifting para mas marami akong matulungan. At I’m hoping na kapag nakapasok sila sa Palarong Pambansa, kapag nakapasok sila sa UAAP, may mga scholarship iyong mga bata,” dagdag nito.

 

 

Pormal na inangkin ni Diaz ang tiket para sa 2021 Olympics sa Tokyo, Japan, nakatakda sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8, matapos sumali sa Asian Weightlifting Championships sa Tashkent, Uzbekistan.

Other News
  • FLOOD-CONTROL PROJECTS, handa na para sa LA NIÑA-PBBM

    TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa publiko ang kahandaan ng pamahalaan na tugunan ang La Niña. “The construction of long-term flood control projects is going to deal with La Niña’s challenges  for the government,” ayon kay Pangulong Marcos sa media interview ukol sa paghahanda ng gobyerno para sa nagbabadyang nakapipinsalang weather phenomenon. Ang […]

  • MANILA LGU, NAGHAHANDA PARA SA FACE TO FACE CLASSES

    NAGHAHANDA  na ngayon ang  Pamahalaang Lungsod ng Maynila para sa face to face classes.     Kabilang dito ang pakikipagtulungan sa Manila Health Department na siyang nangangasiwa sa pag-disinfect ng paaralan.     Sa inilabas na impormasyon ng manila public information office – sinimulan na ng Manila Health department ang paglilinis o pag-disinfect sa mga […]

  • Creativity ng mga Pilipino, pinuri ng opisyal ng CBCP

    Kinilala ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga bagong pamamaraan ng mamamayang Filipino para maging produktibo katulad ng online selling sa kabila ng covid 19 pandemic.     Lumabas sa pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na bahagyang dumami ang kasalukuyang bilang ng mga kababaihang online seller kumpara […]