• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Thirdy Ravena namamaga ang tuhod

Panibagong dagok na naman ang tumama kay Thirdy Ravena matapos magtamo ng injury sa tuhod dahilan upang hindi na naman ito masilayan sa aksiyon sa Japan B.League.

 

 

Na-diagnose ang 6-foot-3 dating Ateneo de Manila University standout na may namamagang tuhod sa kaliwa na nakuha nito sa laro ng San-en NeoPhoenix at Ryukyu noong Abril 14.

 

 

Dahil dito, hindi muna makalalaro si Ravena base sa statement na inilabas ng San-En.

 

 

“He will miss this round due to an injury on his left knee. Although it is a difficult situation, we appreciate your support,” ayon sa statement ng San-En.

 

 

Nauna nang nagkaroon ng coronavirus disease (COVID-19) si Ravena noong nakaraang taon na dahilan para ma-quarantine ito ng ilang linggo.

Other News
  • Pagkatapos ng pakikipaglaban sa breast cancer: Hollywood actress na si SHANNEN DOHERTY, pumanaw sa edad na 53

    PUMANAW sa edad na 53 ang Hollywood actress na si Shannen Doherty na kilala bilang si Brenda Walsh sa ‘90s drama series na ‘Beverly Hills 90210’ at bilang si Prue Halliwell sa ‘90s fantasy-comedy series na ‘Charmed’.   July 13 noong pumanaw ang aktres pagkatapos ang kanyang pakikipaglaban sa sakit na breast cancer since 2015. […]

  • LTO naka-alerto ngayong Semana Santa

    MAGPAPATUPAD ang Land Transportation Office (LTO) ng heighten alert sa Marso 31 bilang paghahanda sa Semana Santa.     Ayon kay LTO Chief Jay Art Tugade na ipapatupad nila ang “Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa and Summer Vacation 2023.” para matiyak na ligtas ang mga pasahero na uuwi sa kani-kanilang mga probinsiya.     Ilan […]

  • Kopya ng disbarment hindi pa natatanggap ng IBP

    WALA  pang natatanggap na kopya ang Integrated Bar of the Philippines sa  disbarment case na isinampa ni Atty. Melvin Matibag laban kay dating Presidential Spokesman Sec. Harry Roque. Ayon kay Atty. Antonio Pido, National President ng IBP, ang disbarment case laban kay Atty.Roque ay sa media organizations lamang niya narinig . Karinawan umanong binibigyan ng […]