Pagrampa ni SANYA na naka-red bikini sa ‘First Yaya’, nag-top trending sa YouTube
- Published on April 28, 2021
- by @peoplesbalita
NAG–ENJOY ang netizens sa panonood ng romantic-comedy series na First Yaya, sa episode na nagpapakita kay Sanya Lopez, wearing a red-bikini habang rumarampa bilang si Yaya Melody, at nganga lahat ng mga nakakita sa kanya.
Nag-top trending iyon sa YouTube at ilang oras lamang after nai-showing ay umani na ito ng more than 1.6 million views online as of writing.
Napuno rin ng papuri ang comments mula sa mga netizens.
“First teleserye na nag-no.1 Trending sa YT this 2021! Kudos sa lahat ng bumubuo ng First Yaya! Filipinos are now enjoying this show!”
“From Sangre Danaya to Yaya Melody!”
“The next big star ng GMA Network! Sanya’s beauty and charm is really different!”
“Grabe lakas ng dating at karisma niya, and she’s acting naturally!”
“I really love this show. Sobrang ganda ng story, light lang and sobrang good vibes. Love the cinematography too. Sobrang galing ng cast!”
Ang First Yaya na nagtatampok din kay Gabby Concepcion, ay napapanood gabi-gabi after ng 24 Oras sa GMA-7.
***
MANANATILI pa ring isang Kapuso ang 23-year-old actress na si Bea Binene, kahit tapos na ang exclusive contract niya sa GMA Network.
Inamin ito ni Bea sa isang interview, at ipinaliwanag niyang desisyon niya na huwag na munang tumanggap ng offers ngayong panahong ito.
“Panahon po ng pandemic at nakakatakot na tumanggap ng assignments at mag-lock-in taping,” sabi ni Bea.
“Kaya nagho-host muna ako ngayon sa DZBB radio program at sa GTV show na ‘OMJ (Oh My Job)’. Produced po ito ng DOLE na napapanood every Saturdays, kasama ko po si Arnell Ignacio.”
Kaya ngayong hindi muna siya active sa showbiz, mas tutok siya sa studies niya, at hopefully, maka-graduate na siya this year dahil last year, nahinto siya dahil sa pandemic.
Enrolled ngayon si Bea sa online courses at Northwestern Kellog and London Business School.
“Magpapatuloy pa rin ako sa business ko. Siguro po, contract lamang ang nawala sa akin sa GMA, but I know I am still a Kapuso and will always be forever grateful sa GMA.”
Si Bea ay produkto ng Starstruck Kids, hindi man sila ang nanalo ni Miguel Tanfelix noon, pero sila ang nakilala dahil ipinagpatuloy nila ang pag-aartista at nakagawa ng malalaking proyekto.
Last teleserye ni Bea sa GMA Network ang action-drama series na Beautiful Justice kasama sina Yasmien Kurdi at Gabbi Garcia in 2019.
***
BUSY pa rin at excited na si Kapuso actress Thea Tolentino na magsimula sila ng lock-in taping para sa upcoming GMA drama series na Las Hermanas na first time niyang makakatrabaho si Albert Martinez at mga kapwa Kapuso stars na sina Yasmien Kurdi at Faith da Silva.
Masaya si Thea dahil simula pa noong 2012 na nanalo silang grand champions ni Jeric Gonzales sa talent search na Protege, halos hindi siya nababakante sa mga proyekto.
Ipinagpapasalamat daw niya na hindi siya nagpabaya na gamitin niya ang talents niya para magampanan ang bawat role na ibinibigay sa kanya.
Wala raw siyang tinatanggihang role dahil gusto niyang matutunan lahat ng characters na ibinibigay sa kanya, maliit man o malaki ito.
Bago ang Las Hermanas, naging bahagi rin si Thea ng primetime soap na The Lost Recipe nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda sa GTV. (NORA V. CALDERON)
-
Halos 200K households, naaalis sa listahan ng 4Ps sa loob ng panunungkulan ni PBBM
SA LOOB ng isang taong panunungkulan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr, umabot na sa 196,539 households ang naalis mula sa listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps. Maaalalang sa unang SONA ni Pang. Marcos ay nagbigay siya ng direktibang linisin ang listahan, upang mapupunta lamang sa mga kwalipikadong pamilya ang tulong ng […]
-
Pope Francis planong bumisita sa Ukraine
POSIBLENG bumisita sa Ukraine si Pope Francis. Sinabi nito na pinag-uusapan na ng mga opisyal ng Vatican ang posibilidad ng nasabing pagbisita sa Kyiv. Sa unang pagkakataon din ay binatikos ng Santo Papa si Russian President Vladimir Putin dahil sa pag-atake nito sa Ukraine. Sa kanyang talumpati habang ito […]
-
P90.2-B special risk allowance para sa mga medical workers ng DOH inilabas na
Nailabas na ang P90.2 billion special risk allowance para sa mga medical workers ng Department of Health sa buong bansa. Sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) Assistant Secretary Kim Robert de Leon na inaasahan na tuluyan ng maipamahagi ang nasabing budget hanggang Hunyo 30, 2021. Mayroong tig-P5,000 na monthly […]