• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga biyahero mula sa India, bawal pumasok sa Pilipinas…

INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na i-ban ang lahat ng pasahero kasama ang mga Filipino na galing sa bansang India.

 

Ang travel ban, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ay magiging epektibo ng ala-1:00 ng umaga ng Abril 29, 2021 hanggang Mayo 14, 2021.

 

Ang mga pasahero na nasa biyahe na galing sa India o iyong mga nanggaling sa India ‘within 14 days’ bago dumating ang Abril 29, 2021 ay hindi aniya sakop sa travel ban.

 

Subalit, kinakailangang sumailalim ang mga ito sa mas pinahigpit na quarantine at testing protocols. Ito ay iyong absolute facility-based fourteen-day quarantine period sa kabila ng negatibong resulta sa Reverse Transcription – Polymerase Chain Reaction (RT-PCR).

Ang mga paghihigpit naman sa mga biyahero na galing sa ibang bansa na mayroong variant na galing sa India ay maaaring ipatupad ng Office of the President ‘upon the joint recommendation’ ng Department of Health (DoH) at Department of Foreign Affairs (DFA).

 

Sa kabilang dako, inatasan naman ang Department of Transportation na tiyakin na ang mga airlines ay hindi magsasakay ng mga pasahero na sakop ng travel ban na ipinatupad ngayon ni Pangulong Duterte.

 

“Ang travel ban po, uulitin ko po… lahat ng pasahero kasama ang mga Filipino at ito po ay epektibo sa ala-una ng umaga, April 29, 2021 hanggang May 14, 2021,” ayon kay Sec. Roque.

 

 

Samantala, nakakalungkot ang mga kaganapan ngayon sa India. Umaapoy ang mga “funeral pyres” na ito sa isang cremation ground sa Allahabad, India habang sinusunog ang mga labi ng mga namatay doon sa COVID-19.

 

 

Kasalukuyang punuan ang mga ospital at crematoriums ngayon sa India dahil sa tindi ng COVID-19 situation doon. Nagsasagawa na rin ng mga sabayan o “mass cremations” dahil sa laki ng bilang ng mga namamatay.

 

 

Nasa 1.01 milyon na ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas ayon sa mga hulingdatos. Sa bilang na ‘yan, pumanaw na ang 16,916 katao. (Daris Jose)

Other News
  • 8 lungsod sa National Capital Region makakaranas ng water service interruption

    NAGPAALALA ang Maynilad Water Services, Inc. sa walong lungsod sa National Capital Region (NCR) na maaaring makaranas ng water service interruption mula Oktubre 12 -16.     Sinabi ng Maynilad na ang service interruption ay magaganap araw-araw sa mga nasabing petsa mula 9 a.m. hanggang 11 p.m. sa ilang barangay sa Caloocan, Malabon, Las Pinas, […]

  • Alice Guo, kinokonsidera bilang isang ‘agent of influence’- NICA

    KINOKONSIDERA ng isang opisyal ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) na isang “agent of influence” ang sinibak na si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, kilala rin bilang si Chinese national Guo Hua Ping.     “Within historical context, given that these activities have been common especially during the Cold War, the activities and the facts […]

  • ‘Downton Abbey: A New Era’ Now Screening Exclusively at Ayala Malls Cinemas

    DOWNTON Abbey: A New Era, the much-anticipated cinematic return of the global phenomenon reunites the beloved cast as they go on a grand journey to the South of France to uncover the mystery of the Dowager Countess’ newly inherited villa.     The film is directed by Simon Curtis and written by Julian Fellowes. The […]