DILG, pananagutin ang mga alkalde at brgy chairman na malulusutan ng COVID-19 quarantine violations
- Published on April 30, 2021
- by @peoplesbalita
PANANAGUTIN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga alkalde at barangay chairman kapag may nangyaring COVID-19 quarantine violations sa ilalim ng kanilang hurisdiksyon.
Sa Talk To The People, Miyerkules ng gabi ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kamakailan lamang ay marami na siyang nakitang quarantine violations na itinuturong dahilan sa pagtaas ng COVID-19 cases sa Metro Manila a at sa mga lalawigan ng Bulacan, Rizal, Cavite, at Laguna — o mas tinatawag na National Capital Region Plus (NCR Plus).
“Now I will do this. I will hold responsible, and I will direct the Secretary of the Local Government — DILG — to hold the mayors and responsible for these kinds of events happening in their places. It is a violation of the law. And if you do not enforce the law, there is a dereliction of duty, which is punishable under the Revised Penal Code,” ayon kay Pangulong Duterte.
“So the DILG can proceed against you for not doing your duty as mayor, or as a barangay captain. But not so much about the mayor. It’s just that there the liability. These barangay captains are the problem. Since barangays are really small, do not give me that shit about that you didn’t know about it,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.
Hindi naman tinukoy ng Pangulo kung anong quarantine protocols ang nalabag subalit marami aniya siyang na-obserbahan na ilang isyu gaya ng kasiyahan na maaaring naging dahilan ng pagkalat ng COVID-19.
“Son of a… we don’t have money. Do not ever think that we can accommodate you just anytime. If you look on TV and the news, patients can’t enter hospitals. They’re waiting in cars. They’re waiting outside until they can be given beds,” ani Panguong Duterte.
“The local government will go after you — administratively and criminally — if there’s a fiesta gathering or dance there. The DILG will call the mayor and the barangay captain,” dagdag na pahayag pa rin ng Chief Executive.
-
Health workers group nanawagan sa DOH na ilabas na HEA
MAINGAY ang panawagan ng ilang grupo ng mga health workers para ilabas na ng Department of Health ang kabayaran sa mga health emergency allowances (HEA) ng healthworkers sa bansa. Matatandaang noong mga nakaraang buwan ay kabi-kabilang rally ang isinasagawa ng mga grupo ng mga healthworkers upang mabayaran na sila ng DOH sa ilang buwan […]
-
Pagdating sa bansa nang mahigit 3M doses ng Moderna Covid-19 vaccines, pinangunahan ni Pangulong Duterte
PINANGUNAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagsalubong sa pagdating nang mahigit sa 3 milyong doses ng Moderna Covid-19 vaccines na dinonate ng gobyerno ng Estados Unidos sa Villamor Air Base,Pasay City. Sa maikling mensahe ng Pangulo ay pinasalamatan nito ang Amerika dahil sa kabutihang-loob na ibahagi ang Covid-19 assistance sa Pilipinas. “I […]
-
Mas bet ng fans sa seryeng pagbibidahan ni Anne: HEART, ‘di kayang pantayan nina KYLIE at PIA sa pagrampa
NANUMPA na nga si Sen. Chiz Escudero bilang Senate President last Monday, May 21 at siyempre nasa tabi ang kanyang esposa na si Heart Evangelista. Marami nga ang nagulat sa pagpapatalsik o pagre-resign ng dating Senate President na si Miguel Zubiri noong Lunes. Mukhang magiging aktibo na si Heart […]