• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 pasaway sa curfew at no facemask, kulong sa shabu

Arestado ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng shabu makaraang masita ng mga pulis dahil sa paglabag sa curfew at hindi pagsuot ng face mask sa Caloocan city, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. ang naarestong mga suspek na si Richard Doydoran, 20 at Jerome Reyes, 32, kapwa ng PNR Compound, Brgy. 73.

 

 

Ayon kay Col. Mina, nagsasagawa ng motorcycle patrol ang mga tauhan ng Caloocan Police TMRU na sina Pat. Ernesto Ng at PCpl Ronel Judel Magtoto sa kahabaan ng Abby Road, Brgy. 73 dakong 2:20 ng madaling araw nang makita nila ang mga suspek na gumagala sa lugar na malinaw na paglabag sa curfew at wala pang suot na facemask.

 

 

Nang sitahin, hindi pinansin ng mga suspek ang mga pulis at sa halip ay tinangkang tumakas ng mga ito kaya’t hinabol sila ng mga parak hanggang sa maaresto.

 

 

Nang kapkapan, nakumpiska sa mga suspek ang isang plastic sachet na naglalaman ng nasa 3.6 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P24,480 ang halaga at isang glass tube pipe na naglalaman ng nalalabi ng hinihinalang marijuana. (Richard Mesa)

Other News
  • Pagkakaisa at sigla pa rin ng sports asam ni Milby

    DINADALANGIN ni Philippine Rugby Football Union (PRFU) secretary general at national rugby team member Ada Milby ang pagkakaisa at masiglang PH sports sa kabila na may pandemya pa rin.     Siya ang unang babaeng naging kasalukuyang kasapi ng World Rugby Council WRC) kahit hindi pinalad na manalo bilang second vice president ng Philippine Olympic […]

  • Pagbebenta ng bakuna laban sa Covid-19 at slot, bawal-Malakanyang

    IPINAGBABAWAL ng pamahalaan ang pagbebenta ng bakuna at slot.   Napaulat kasi na hindi lalagpas sa P15,000 pesos ang ibinebentang bakuna, depende sa brand at pag-aalok ng slots sa COVID-19 vaccination program.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, pupuwedeng makulong at makasuhan ang isang indibidwal na sangkot sa ganitong ilegal na gawain.   “Well, […]

  • ‘Duterte Legacy?’: Utang ng Pilipinas record-breaking sa halos P13 trilyon

    SUMIRIT sa panibagong all-time high ang outstanding debt ng pamahalaan matapos itong maitala sa P12.76 trilyon sa pagtatapos ng Abril 2022 — bagay na naapektuhan ng paghina ng piso kontra dolyar.     Ibinalita ito ng Bureau of Treasury, Huwebes, ilang linggo matapos maiulat na katumbas na ng 63.5% ng ekonomiya ang utang ng Pilipinas. […]