• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COVID-19 ‘work-related disease’ – DOLE

Makakatanggap na ng kompensasyon buhat sa pamahalaan ang mga manggagawa sa public at private sectors na dinapuan ng COVID-19 habang nasa duty makaraang maisama na ang coronavirus 2019 sa listahan ng “occupational and work-related diseases”.

 

 

Inaprubahan ng Employees’ Compensation Commission (ECC) board ang Resolution No. 21-04-14 na nagtatakda ng kompensasyon sa mga manggagawang biktima ng virus, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

 

 

“Considering the OSHC’s recommendations and after deliberations with the Department of Labor and Employment and various labor and employer groups, (Labor Secretary Silvestre) Bello added that the Commission has moved that COVID-19 be considered an occupational and work-related disease,” ayon kay ECC Executive Director Stella Zipagan-Banawis.

 

 

Nakapaloob sa reso­lusyon ang mga panga­ngailangan na dapat matugunan ng mga claimants. Kabilang dito ang pagkakaroon ng direktang koneksyon ng manggagawa sa mga nagtatrabaho sa healthcare, screening at contact tracing teams; ang trabaho ng manggagawa ay kailangan ng palagiang pagharap sa ibang tao; nahawa habang nasa lugar ng trabaho; at nahawa habang bumibiyahe galing o papuntang trabaho.

 

 

Sa pag-aaplay para sa benepisyo, kailangang magsumite ng certificate of employment, RT-PCR diagnosis positive result, mga ebidensya ng exposure, at medical records kung kinakailangan pa.

Other News
  • Ads November 18, 2021

  • Social security protection sa barangay officials, tiniyak ng SSS

    ISINULONG ni Social Security System (SSS) President and Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet na maging miyembro ng SSS ang mga barangay official sa buong bansa upang makatanggap ng lifetime monthly pension oras na magretiro ang mga ito sa serbisyo.   “Many of our barangay officials and workers serve their constituents for 10 or 20 […]

  • Duterte inaprubahan ‘fuel discounts’ sa mga mangingisda, magsasaka

    NGAYONG  ikasiyam na sunod na linggo nang tumataas ang presyo ng langis kasabay ng Ukranian-Russian crisis, inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng fuel discount vouchers at subsidiyo para sa mga mangingisda at mga magsasaka.     Ilang linggo nang umaaray pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo ang mga naturang sektor, dahilan para […]