P8K wage subsidy sa MSMEs workers target ng gobyerno
- Published on May 3, 2021
- by @peoplesbalita
Makakatanggap ng wage subsidy na P8,000 kada buwan ang mga manggagawa sa pribadong sektor na nasa micro, small and medium enterprises (MSMEs) bilang bahagi ng eight-point agenda ng pamahalaan para makabangon mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Sa isang job summit ng Task Group on Economic Recovery-National Employment Recovery Strategy (NERS) kamakalawa, sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na mungkahi ng gobyerno ang P24-billion wage subsidy program para mapanatili at maprotektahan ang mga may trabaho.
“The proposed program shall provide subsidy equivalent to P8,000 per month for a maximum of three months to affected workers through the establishment’s payroll system,” ani Lopez.
Nanawagan naman si Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) president Benedicto Yujuico na agarang mabakunahan laban sa COVID-19 ang essential economic workers at gawing digital ang mga negosyo.
Prayoridad aniya dito ang MSMEs na may flexible work arrangements o nagsara pansamantala subalit may balak pang magbalik-operasyon. (Daris Jose)
-
P7.3-M halaga ng family food packs naipamahagi ng DSWD
Aabot na sa P7.3 million halaga ng family food packs ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga apektado nang pananalasa ng Bagyong Odette. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DSWD spokesperson Irene Dumlao na bukod sa mga family food packs mayroon ding P1.1 million halaga ng sleeping […]
-
Walang face mask, arestuhin! — Duterte
Inatasan na ng Supreme Court (SC) ang lahat ng trial court judges sa buong bansa na suspindehin ang commitment orders sa mga kulungang pinamamahalaan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP). Ito ang inisyung kautusan ni Court Administrator Jose Midas Marquez bilang hiling ng Interior Secretary Eduardo Año. Para kay Año’s, ito […]
-
Zubiri, pinuri ang paglagda ng Reciprocal Access Agreement (RAA) sa pagitan ng Pilipinas at Japan
PINURI ni dating Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri ang paglagda ng Reciprocal Access Agreement (RAA) sa pagitan ng Pilipinas at Japan, at sinabing ito ay “napapanahon” upang palakasin ang defense interoperability ng dalawang bansa. Kabilang dito ang naval training ng mga sundalong Pilipino sa paggamit ng mga barko at kagamitan na binili […]