• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sec. Lorenzana, pinabulaanan ang ulat na magkaiba sila ng ‘tono’ ni PDu30 sa usapin ng incursion ng China sa WPS

PINABULAANAN ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana ang ulat na taliwas ang kanyang mga pahayag sa mga naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa usapin ng incursion o pagsalakay ng China sa West Philippine Sea (WPS).

 

Aniya, ang naging kautusan ni Pangulong Duterte sa defense department hinggil sa WPS ay “firm and straightforward” at ito ay ang ipagtanggol ang pag-aari ng bansa na hindi maglulunsad ng giyera.

 

“President Duterte’s orders to us have been very firm and straightforward: defend what is rightfully ours without going to war and maintain the peace in the seas. Yung nagsasabi na hindi kami align ng Presidente ” ayon kay Sec. Lorenzana.

 

At bahagi aniya ng tinatawag na ‘long-standing and multi-faceted relationship’ ng Pilipinas sa China, sinabi ng Kalihim na kapuwa pinapanatili ng daawang bansa ang kooperasyon sa iba’t ibang larangan na ‘mutually beneficial’ sa mga Filipino at mga tsinoy.

 

“We can be cordial and cooperative with other nations but not at the expense of our sovereignty and sovereign rights,” dagdag na pahayag nito.

 

Giit pa ni Lorenzana sa kabila ng taglay ng China ang mas ‘superior military capabilities’ ay hindi naman aniya ito hadlang sa kanila para depensahan ang national interest  at dignidad ng mga Filipino gamit ang lahat ng ‘available resources o assets.’

 

“Thus, the conduct of maritime patrol in the WPS and Kalayaan Island Group by the Philippine Coast Guard and the Bureau of Fisheries and Aquatic Resources will continue. The government will not waiver in its position. Walang alisan ,” ang pahayag ni Lorenzana.

 

Bukod dito, sa pinakahuling kaganapan aniya ay malinaw na kailangan na mayroong pangangailangan na ang lahat ng stakeholders ay makikipagtulungan.

 

“They can now take this as an opportunity to advance the values and principles we collectively affirm and profess to respect – including the peaceful settlement of disputes – as partners and as signatories to UNCLOS (United Nations Convention for the Law of the Sea) and all relevant international instruments,” anito.

 

Sa ulat, sinabi ni Lorenzana na waang legal na basehan ang China na pigilan ang Pilipinas na magsagawa ng maritime atrol sa WPS.

 

Wala aniyang basehan ang nine-dash line ng China na siyang ipinangangalandakan nito.

 

Giit ni Lorenzana, wala umano ito sa 1982 UNCLOS at pinawalang-bisa sa 2016 Permanent Court of Arbitration na pumapabor sa hirit ng Pilipinas sa mga exclusive economic zone (EZZ) sa South China Sea. (Daris Jose)

Other News
  • Revised rules para sa “Green Lanes”, inaprubahan ng IATF

    INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) araw ng Huwebes, Hulyo 22, 2021, ang revised rules para sa “Green Lanes”.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang pasahero na galing sa mga bansang kabilang sa green lanes ay magkakaroon lamang ng 7-day facility-based quarantine at RT-PCR testing matapos ang kanilang pang-limang araw na quarantine. […]

  • Alden, ‘di nagpabaya para makatulong sa nabiktima ng Bagyong Ulysses

    NAPAPANAHON ang tema ng GMA Christmas Station ID 2020 na “Isang Puso Ngayong Pasko,” kaya naman hindi kataka-taka na pinusuan ito ng mga unang nakapanood ng launch nito last Monday, November 16, sa 24 Oras sa GMA-7.   Nakakuha agad ito ng 1.6K views, 40K likes, 3.8K comments at 8.8K Shares, here and abroad.   […]

  • Mga paliparan, pantalan at terminal sa Metro Manila ininspeksiyon ng NCRPO

    PERSONAL na ininspeksyon nitong Linggo ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/Major General Edgar Alan Okubo ang mga paliparan, daungan at terminal sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero na mag-uuwian para sa Semana Santa. Inalam ni Okubo ang sitwasyon sa seguridad sa NAIA T3, Five Star Bus Liner, Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), […]