• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDU30 nagpabakuna na!

Nagpabakuna na noong Lunes ng gabi  si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa COVID-19 gamit ang China-made Sinopharm vaccine, ayon sa kanyang longtime aide na si Sen. Christopher Lawrence “Bong”Go.

 

 

Ipinakita ni Go ang pagpapabakuna ng Pa­ngulo sa pamamagitan ng livestream sa Facebook.

 

 

Si Health Secretary Francisco Duque ang nagturok kay Duterte na ginawa sa Malacañang.

 

 

Sa kaliwang braso tinurukan ang Pangulo habang nakamasid si Go.

 

 

Kinumpirma rin ni Go na pumayag ang mga doktor ng Pangulo na mabakunahan ito.

 

 

“I feel good and I have been expecting this shot, vaccination a long time ago. Sinopharm itong tinuturok sa akin,” ani Duterte.

 

 

Hindi pa nabibigyan ng emergency use authorization (EUA) ng Food and Drug Administration ang Sinopharm na gawa sa China pero meron itong compassionate use permit na hiniling ng Pre­sidential Security Group.

 

 

Kinumpirma rin ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pagpapabakuna ng Pa­ngulo.

 

 

“This confirms that PRRD received his first dose tonight of the Sinopharm anti-Covid 19 vaccine. His first dose was covered by the Compassionate Use Permit issued to the PSG hospital by the FDA,” ani Roque. (Daris Jose)

Other News
  • Kumpanya ng parmasyutiko nagsampa ng cyberlibel laban kay Dr. Leachon

    NAGSAMPA ng cyberlibel charges ang Pharmaceutical Inc. sa National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Dr. Antonio “Tony” Leachon.     Sa isang press conference sinabi ni Atty. Alex Avisado Jr. na magsasampa sila ng kaso laban sa mga malisyosong paratang ni Leachon.     Ang mga paratang ni Leachon sa Bell-Kenz ay labis na […]

  • Utah Jazz may 3 wins na matapos malusutan sa double overtime ang Pelicans

    NANANATILING  malinis ang record ng Utah Jazz ngayong bagong seaon ng NBA matapos na manalo na naman at ang panibagong nabiktima ay ang New Orleans Pelicans sa iskor na 122-121 na umabot sa double overtime game.     Kumamada ng 31 points, 12 rebounds ang Finnish basketball player ng Jazz na si Lauri Markkanen para […]

  • Duterte may sorpresa kay Diaz

    Malaking halaga ang balak na ibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte kay 2021 Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz na aabot sa milyon-milyon piso, ayon kay presidential spokesperson Harry Roque.     Ayon kay Roque, iuukit sa kasaysayan ng Pilipinas ang pangalan ni Hidilyn at nangako si Duterte na magbibigay ng milyon-milyong piso sa sinumang makakapagbigay […]