1k na newly-hired contact tracers, magsisimula ng kanilang trabaho ngayong linggo- Usec.Malaya
- Published on May 5, 2021
- by @peoplesbalita
TINATAYANG 1,000 newly-hired contact tracers ang magsisimula ng kanilang trabaho ngayong linggo.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) spokesman Undersecretary Jonathan Malaya na mahigit sa 10,000 ang nag-apply bilang contact tracers kung saan mahigit 2,000 applications naman ang in-assessed ng DILG.
“Doon sa 5,754 na idedeploy natin sa National Capital Region ay 2,696 na po ang na-assess natin at more than 10,000 po ang nag-apply,” ayon kay Malaya.
“We expect siguro by this week mayroon nang magsisimula na magtrabaho sa contact tracers, around 1,000 ay makakatapos na ng kanilang training na isasagawa ng DILG at Local Government Academy,” dagdag na pahayag nito.
Nauna rito, nagkaroon ng kasunduan ang Department of Labor and Employment (DOLE) at ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa Metro Manila Development Authority (MMDA) para sa pagkuha ng contact tracers sa ilalim ng programang Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, layon ng Memorandum of Agreement (MOA) ay ang makakuha ng may 6,000 contact tracers na naglalayong makatulong para pigilan ang pagkalat ng nakakahawang Covid-19 sa bansa.
“Naniniwala ang pamahalaan na ang contact tracing ay isa sa pangunahing paraan para pigilan ang pagtaas ng bilang ng nahahawa mula sa sakit na Covid 19 sa ating bansa,” ayon kay Bello.
Sinabi niya na may kabuuang P280,714,644 pondo mula sa 2021 General Appropriations Act budget ng DOLE ang gagamitin para sa kukuning 5,754 manggagawa na magtatrabaho bilang contact tracer.
Sa ilalim ng kasunduan, kukuha ang DOLE, sa pakikipagtulungan ng DILG at MMDA, ng mga manggagawa na magtatrabaho bilang contact tracer para sa programang TUPAD upang madagdagan ang kasalukuyang bilang ng contact tracer sa bansa.
Sa kabilang banda, ang DILG ang mangangasiwa sa pagbuo ng selection committee na siyang kukuha ng contact tracer para sa programang TUPAD.
Samantala, naatasan ang MMDA na tumulong sa pamamahagi ng impormasyon sa pagkuha ng TUPAD contact tracer, bantayan ang implementasyon ng proyekto, at tumulong sa pamamahagi ng wastong impormasyon ukol sa proyekto.
Una dito, nagdesisyo ang DOLE na ilipat ang programang TUPAD sa contact tracing para tulungan ang lokal na pamahalaan na mapigilan ang pagtaas ng kaso ng Covid-19.
Ang TUPAD ay isang safety net program ng DOLE para sa mga manggagawa sa informal sector, partikular iyong mga nagtatrabaho sa kanilang pamilya at hindi nakatatanggap ng sahod; at iyong mga self-employed na manggagawa na may mababang kakayahan na naglalayong tulungan sila mula sa epekto ng pandemyang Covid-19. (Daris Jose)
-
PBBM nilagdaan na ang batas na magtataas sa P10-K teaching allowance ng mga guro
NILAGDAAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Lunes ang Kabalikat sa Pagtuturo Act, naglalayong suportahan ang mga public school teachers sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga ito ng allowances. Layon ng nasabing allowance na pagaanin ang ‘financial burdens’ o pasanin sa pananalapi na nauugnay sa pagbili ng teaching supplies at materials, upang […]
-
ROLL CALL: MEET THE MIGHTY PUPS AND THEIR VOICE ACTORS IN THESE CHARACTER POSTERS AND NEW CLIP FOR “PAW PATROL: THE MIGHTY MOVIE”
MIGHTY Powers, Mighty Pups. We’re on a roll with these all-new character posters for PAW Patrol: The Mighty Movie, in Philippine cinemas October 11. And find out what’s new with PAW Patrol in this new “Back to School” clip: https://youtu.be/1afR6VQDJI0?si=caf9WXbQCTua9Bba About PAW Patrol: The Mighty Movie Paramount Pictures and Nickelodeon Movies and Spin Master Entertainment Present PAW Patrol: The Mighty […]
-
GERALD, bilib na bilib sa sarili kahit wala pang napatutunayan sa pag-arte; gustong maging acting coach
GUSTO raw ni Gerald Anderson na maging acting coach ng kanyang bagong screen partner na si Gigi de Lana. Ganyan ba talaga kalakas ang bilib ni Gerald sa kanyang sarili, acting-wise? Na he can qualify as an acting coach sa isang baguhan? Wala pa kaming narinig na ganitong klaseng mga salita […]