• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Yulo bibigyang atensiyon ang mental health

Maliban sa physical training, nakasentro rin ang atensiyon ni world champion Carlos Edriel Yulo sa aspetong mental habang nasa puspusang paghahanda ito para sa Tokyo Oympics.

 

 

Masaya ang 21-anyos gymnast na ginagabayan ito ni Japanese mentor Munehiro Kugimiya hindi lamang sa regular workout maging sa mental training.

 

 

Isa sa mga ginagawa ni Yulo ang maging masaya sa training sa loob ng gym sa kabila ng matinding dinaranas ng lahat sa labas dahil sa pandemya. “Naka-focus ako sa kung paano mag-training ng masaya. Marami akong natutunan ngayong pandemic lalo na kung paano ko mai-improve ‘yung sarili ko,” ani Yulo.

 

 

Ilang taon nang nasa Tokyo, Japan si Yulo para paghandaan ang Tokyo Olympics.

 

 

Dahil sa pagtaas ng bilang ng tinatamaan ng COVID-19 doon, madalas na nasa loob lamang ito ng bahay, gym at school upang makaiwas sa covid.

Other News
  • Ads March 22, 2022

  • Senator Marcos namahagi ng mga bangka at lambat sa mangingisdang Navoteños

    UMABOT sa 56 rehistradong mangingisdang Navoteños ang natakatanggap ng NavoBangka fiberglass boats at lambat mula kay Senator Imee R. Marcos bilang bahagi ng isang linggong pagdiriwang ng kaarawan nina Mayor John Rey Tiangco and Cong. Toby Tiangco.     Binati ni Mayor Tiangco ang mga benepisyaryo at nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa pagsisikap ng senador. […]

  • CARMELA LORZANO, itinanghal na bagong Sing Galing Year 2 ‘Ultimate Bida-Oke Star’

    MATINDING paSINGlaban ang naganap sa katatapos lang na Sing Galing Year 2 ‘The Kantastic Finale’ noong Disyembre 10 kung saan itinanghal bilang bagong Ultimate Bida-Oke Star ang Echan-teen Diva ng Batangas na si Carmela Lorzano.     Isang pangmalakasang performance ng “You’re My World” ang ipinamalas ni Carmela sa unang round, pagkatapos ay nagtapat naman […]