• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, itinanggi na smuggled at illegal ang covid 19 vaccine na itinurok kay PDu30

ITINATWA ng Malakanyang na smuggled at illegal ang COVID-19 vaccine na itinurok kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

Sinasabing di umano’y hindi pa clear ang bakuna na mula sa Chinese state firm Sinopharm sa emergency use sa bansa.

 

“The vaccine from Chinese state firm Sinopharm that Duterte took on Monday is “covered by compassionate use,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Matatandaang noong Pebrero, ang Philippine drug regulator ay nagbigay sa security team ng compassionate use license para sa 10,000 Sinopharm shots.

 

Bilang commander-in-chief ng Armed Forces of the Philippines, “entitled” si Pangulong Duterte na gumamit ng nasabing bakuna.

 

“As far as the President is concerned, he did not violate any laws,” aniya pa rin.

 

Ang bakuna na natanggap ni Pangulong Duterte ay bahagi ng karagdagang 1,000 doses na idinonate ng China.

 

“Hindi po smuggled ang ginamit ng Presidente dahil ito po ay donated ng Chinese government,” pagtiyak ni Sec.Roque.

 

Kaagad namang dumalo sa pulong si Pangulong Duterte matapos mabakunahan at hindi naman ito nakaranas o nakaramdan ng kahit na anumang reaksyon mula sa bakuna.

 

Samantala, sinabi naman ng Food and Drug Administration (FDA) ng Pilipinas na ang Sinopharm’s COVID-19 vaccine na itinurok kay Pangulong Duterte ay covered ng compassionate use permit (CSP) na ipinalabas ng ahensiya noong Pebrero.

 

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, ang limited use permit ay ipinagkaloob sa Presidential Security Group (PSG) bago pa dumating ang bakuna sa bansa.

 

“Ito ‘yung hiningi ng PSG dati bago pa dumating ang mga bakuna dito sa Pilipinas. Mayroon silang donation from China at hiningan ito ng special permit para nga maprotektahan ang Presidente at mukhang ‘yun din po ang ginamit sa ating pangulo kagabi,”  ayon kay Domingo.

 

Ang CSP ay pinapayagan para sa limited use ng investigational drugs o unregistered drugs. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • PBBM, FL Liza nag-host ng casual dinner sa mga senador at asawa ng mga ito

    ISANG CASUAL DINNER ang inihanda ng First Couple na sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Unang Ginang Louise ”Liza” Araneta-Marcos sa mga senador at asawa ng mga ito sa Bahay Pangulo, Martes ng gabi matapos ang pagbabagong bihis sa liderato ng Senado.       Sa katunayan nag-post ang Unang Ginang ng larawan sa Instagram […]

  • PBBM, nilagdaan ang Real Property Valuation and Assessment Reform Act

    NILAGDAAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Real Property Valuation and Assessment Reform Act (RPVARA) upang masiguro ang ‘uniform valuation’ sa real property assets.     Ayon sa Bureau of Local Government Finance, layon ng batas na i- promote ang development ng isang ” just, equitable, and efficient real property valuation system” na naka- aligned […]

  • Ads January 24, 2023