• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pacquiao, ‘pinaka-best fighter’ na nakalaban ko – Mayweather

Itinuturing ni retired US boxing champion na si Floyd Mayweather Jr. na si Senator Manny Pacquiao ang pinaka-best fighter na kanyang nakalaban sa loob ng 21 taon niyang career.

 

 

Kung maalala kabilang sa mga boxing legend na nakaharap na ni Mayweather ay sina De La Hoya, Canelo Alvarez, Juan Manuel Marquez, Miguel Cotto, Sugar Shane Mosley, Arturo Gatti, Jose Luis Castillo, Diego Corrales at iba pa.

 

 

Paliwanag ni Mayweather kung bakit best fighter si Pacman ay dahil sa kakatwa niyang movement o galaw pagdating sa ring.

 

 

Patunay daw na pambihira ang galing ng Pinoy ring icon ay bunsod na rin ng maraming nitong panalo sa matitinding mga laban.

 

 

Pabor din si Mayweather na maging bahagi ng Hall of Fame ang fighting senator.

 

 

Ginawa naman ni Mayweather ang pag-amin kasunod nang anibersaryo ng anim na taon na ang nakalipas noong May 2, 2015 nang isagawa ang unification bout nila ni Pacquiao.

 

 

Hanggang ngayon ay hindi pa nababasag ang record ng dalawa bilang “richest fight ever in the history of boxing.”

 

 

Sinasabing sa naturang laban kumita si Pacquiao ng bilyong bilyong piso.

 

 

Inihayag naman ni Mayweather na sa laban kay Pacquiao, tumabo siya ng limpak limpak na salapi na umaabot sa $300 million.

 

 

“The best fighter I’ve ever fought probably was Manny Pacquiao because of his movement. He’s a hell of a fighter,” ani Floyd Jr. sa kanyang pagdalo sa The Million Dollaz Worth of Game. “And I can see why he won so many fights, and I can see why he’s going down as a Hall of Famer because of certain moves that he makes.”

Other News
  • Pdu30, nakiisa sa virtual send-off ceremonies sa mga atletang Pinoy na sasabak sa Tokyo 2020 Paralympics

    TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang suporta ng bansa para sa anim na atletang Filipino na makikipaglaban sa Tokyo 2020 Paralympic Games, isang major international multi-passport event na pangangasiwaan ng International Paralympic Committee (IPC).   Ang 16th Summer Paralympic Games ay idaraos sa Tokyo, Japan mula Agosto 24 hanggang Setyembre 5.   “My warmest […]

  • 10 Films To Catch On HBO This December 2020

    WHICH of these films are you putting on your watch lists?   We’re giving you a rundown of some of this month’s must catch films on HBO if you’ve been wanting to plan your movie nights ahead of time! Here are shows to catch on HBO for the month of December:       The […]

  • Operators ng EDSA Carousel humingi ng fare hike

    NAGHAIN ng petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga operators ng EDSA Carousel upang humingi ng fare hike dahil na rin sa tumataas na presyo ng krudo at gasolina.       Ayon kay LTFRB chairman Cheloy Garafil na humingi ang ES Transport at Mega Manila ng fare increase kung saan […]